Riskiest decision (venting out lang)
I made the riskiest decision of my life today. Nagresign ako sa work ko dahil nagkaroon ako ng pregnancy-induced hypertension and baka magkaroon ako ng complications sa latter part ng pregnancy ko. I'm currently 13 weeks pregnant na. Single mom ako, iniwan ako ng partner ko nang nalaman niyang buntis ako. Nasaid din savings ko dahil naging carefree kami ng partner ko sa expenses. Tama talaga ang sabi nila na heartbreaks and having no money are the best teachers in the world. Para akong magsisimula ulit sa buhay ko, but this time, may baby na sa sinapupunan ko. Sobrang nalulungkot lang ako sa nangyari sa career ko and sa love life ko. Hindi tulad ng iba na may supportive na partners or husbands, I have to deal this alone. Nakakainggit pero need tanggapin. Nagvent out lang ako rito mommies. Pasensya na. Wala na kasi akong makausap. Sa mga mommies diyan na merong situation like mine, or sa mga single mommies diyan, I salute you all sa pagiging strong niyo. I hope na sana ako rin soon kayanin ko lahat. :)