I have two children, both girls, panganay ko is 8 years old and bunso ko naman is 5 months. Nakatira kami ngayon sa house ng parents ko kasi under renovation yung bahay namin. Ngayon, naiinis ako kasi hindi ako nasusunod sa mga gustong kong mangyari sa mga anak ko especially sa panganay ko. Alam ko na parents ko yun at nakikitira kami kaya need kong mag give-way at sumunod sa kanila, but the thing is nagiging iba yung output sa panganay ko, nagiiba ugali niya, hindi siya nasunod sakin. In short, nagiging sutil siya. Sa sobrang daming nagcocomment o nag command sakanya ng mga do's and don'ts, hindi na niya alam kung sino susundin at nalilito na siya. In the end, parents ko pa din sinusunod niya kasi ako follow din sa parents ko, na yun ung gusto kong maging set ng example sakanya na "always follow your parents" pero yung mindset ng parents ko at ako magkaiba.
Example.
1. Screen time: Against ako dito at yung parent ko naman bigay hiling lagi. Minsan pumupuslit pa anak ko para lang magscreen time sa phones nila.
Bakit ako against? Mahigpit ako pagdating sa screen time ng anak ko. 1 Hour lang every day. Mas okay sakin maglaro siya, mag draw, mag color or mag aral or anything na gawin niya na makapag o-occupy ng time niya. Wag lang screen time. Dahil una, hindi siya maganda sa utak ng bata. Memory loss, kung ano ano nakikita o napapanuod, kung ano ano nagagaya dahil lang sa napapanuod, in short hindi siya maganda sa utak ng bata. Kaya ang ginagawa ko nagsset talaga ako ng schedule niya every day. Home school kasi ang panganay ko at 1 hour lang don ang screen time. Pero etong parents ko naman, kahit na alam ang rules ko na sakanya about sa screen time, hinahayaan lang at bigay hiling pa. Tapos sinasabihan pa ko sa harap ng anak ko na "ang higpit mo sa anak mo". Kaya yung anak ko naman sasabihin "oo nga ang higpit mo" kapag andyan mga lola at lolo niya malakas loob niya kasi alam niya di ko siya mahihindian. Diba? Ikaw sabihan ng anak mo ng ganon, parang nakakainis na ewan.
2. Appearance: Eto naman super magkaiba kami ng pananaw ng magulang ko dito especially ng nanay ko.
Bakit? Kasi ako conservative na NGAYON. Bakit? Kasi nanay na ko e. Alam ko madaming nanay din jan na magiging against dito. Pero please hear me out. Anong problema ko sa appearance? Pagsuot ng damit, pagpapakulay ng buhok, etc. yun lang naman. Sabi ko nga CONSERVATIVE na ko kasi NANAY na ako. Kung bata or dalaga ako siguro pareho kami ng mindset. Pero may anak na ko kaya need ko maging set as example sa mga anak ko. Diba? Ang problema ko kasi masyado din nilang pinapakielaman yung the way ko manamit, itsura ko, etc. Losyang na daw ako, napabayaan ko na daw sarili ko. Hello? I'm 5 months under postpartum malamang maraming nagbago sa itsura ko. Tapos eto pa, 5 months under postpartum ka na nga yun pa maririnig mo. Hays.
Bakit din problema ko to sa panganay kong anak? Kasi pati siya iniiba din nila kung pano manamit. Na nakakainis sa part ko kasi bakit ganon? Dapat ako masusunod, bakit sila?
Bakit ako naiinis? 8 years old palang anak ko. Pero gusto ipasuot: pekpek shorts (or super iksing shorts), crop top na labas na labas tyan at pusod, gusto magpagupit ng buhok from elsa hair to super bob cut. Sobrang haba kasi ng hair ng anak ko. Maganda kasi hair ng anak ko shinny and straight talaga na bagsak na bagsak. Tapos gusto niya pagupitan ng super bob cut. Which is pinagawayan pa namin ng anak ko dahil hindi ko siya pinayagan ng ganong gupit. Bakit ko siya papagupitan ng ganon dahil lang sinabi nila na yun I pagupit niya kasi maganda siya don? Hello? 8 years old palang yan. Kaya yung mga bata ngayon masyado ng matured ang mga itsura kasi kung ano ano ginagawa sa katawan. Which is ayokong maging katulad niya. Tska babae kasi siya, iba ang panahon ngayon sa panahon noon. Kung masanay siya magsuot ng ganun or maging ganon, Hindi safe. (In my opinion)
3. Insecurity
Dahil sa sobrang dami at kung ano anong finefeed nila sa anak ko.
"Bat ganyan ka manamit?"
"Losyang ka na para kang mama mo"
"Magpalit ka ng damit mo don, di maganda yan"
Kaya eto namang anak ko:
"Mama wag daw to sabi ni lola"
"Mama pangit daw to sabi ni lola"
"Mama palit daw ako damit sabi ni lola"
Puro ganyan na mga sinasabi. Masyado na tuloy siyang naiinsecure ngayon. Bakit ko sinabi naiinsecure? Imbis na she can wear whatever she likes, or she can wear yung mga damit na comportable siyang suotin, or she can wear clothes na base sa pakiramdam or feelings niya. E Hindi na e, laging ang tanong:
"Mama, maganda ba to?"
"Mama, maganda ba ko?"
Nawawala na yung self-confidence niya dahil lang sa mga negative comments.
4. Comparison and Favoritism
Sabi ko nga I have 2 children, at ayokong kalakihan nila yung kinocompare nila yung isat isa, or kinocompare nila yung sarili nila sa iba. Kasi ako hindi ganun dahil alam ko yung pakiramdam ng kinocompare. Apat kaming magkakapatid at pangalawa ako sa panganay kaya ramdam na ramdam ko yung comparison at favoritism. Kaya sinabi ko sa sarili ko na kapag nag kaanak ako hindi ko gagawin sakanila yun. Which is Mali ako. Kahit ano palang gawin ko hindi ko sila maiiwas sa ganon. Bakit?
Simula ng nagka 2nd baby ako eto talaga isa sa struggles ko. Bakit? Kasi ang daming negative comments. Like, busy ka mag breastfeed (EBF kasi ako sa 2nd baby ko) sasabihin sayo ng mama mo na:
"hindi mo na naaasikaso panganay mo puro ka jan sa bunso mo"
Or nagpahinga ka lang or umidlip ka lang saglit sinabayan mo yung bunso matulog kasi puyat ka ng gabi tapos may magcocomment.
"Yung anak (panganay) mo don magisa, pinapabayaan mo na kawawa naman"
Ang nakakainis pa, pinaparinig pa niya sa panganay ko. Tapos puro word pa na: "kawawa naman". Imbis na I-encourage yung bata na maging independent or magkaroon ng self-confidence, puro "kawawa ka naman" naririnig niya. In the end, nagsself-pity yung bata.