Wag Nyo ilaglag Anak Nyo.

I have a paternal issue sa baby ko. Malaking puzzle pa din sakin kung sino ang nakabuntis sa akin. Bigat na bigat na loob ko, pero for nine months kailangan kong pigilan yung stress dahil hindi nalang yung sarili ko ang kailangan kong alagaan, meron na akong anak na nakarely yung health sa akin. Pwede kong tapusin yung problema ko by killing my baby, para hindi na tumagal pa yung pagsisinungaling ko sa taong pakakasalan ko na, para matapos na problema ko or aminin ko nalang kahit magkanda leche leche na. Pero wala sa dalawa yung ginawa ko. Una sa lahat, hindi ako papatay ng bata na isang araw tatawag sa aking "Mommy". At kung bakit hindi pa ako umamin, dahil takot ako. Takot na takot ako mawala sya ,dahil paano sa huli sya tlaga yung daddy. Ayokong sirain pa lalo yung chance na makabawi ako at maayos ko to. Hindi ko inisip na aabot ako sa point na ganito sa buhay ko, kung nagisip sana ako ng tama, kung nagcontrol ako sa lust, kung nakinig ako sa sarili ko nung sinabi ko na "Tama na" wala akong problema na ganito. Wala akong masasaktan na taong mahal ko at mahal ako. Wala akong confusion. Hindi ako majjudge. Pero andito na ako sa point na either makakahinga ako pag naconfirm kong yung mahal ko ang tatay or manlalambot ako habang papanuorin ko na lahat love at respeto nya sakin mawawala kapag hindi sya. Pero kakayanin ko, kasi yun yung dapat. Lahat ng judgement , yung future na gulo na gagawin ko in case hindi sa lalaking mahal ko yung baby ko. Kakayanin ko, Kasi kasalanan ko. Mga mommy na may intention mag pa abort, Kahit anong katangahan , kabobohan , ano mang reason na nag lead sa atin sa unwanted pregnancy, WAG SANA nating saktan yung mga anak natin. Kung makakapagsalita sila ang sakit sakit siguro pakinggan na marinig "Mommy, wag mo akong patayin". Lahat ng ginawa natin na may control naman tayo, pero hinayaan nating mangyari, kasalanan natin. Pwede tayo umayaw, humindi na makipagsex dahil may mahal na tayo, pero pinili natin bumigay. Pwede tayo umayaw ,humindi na maging kabit, pero pinili nating um-oo. Meron tayong choice sa mga bagay na may control tayo, pero yung bata sa womb natin WALA pang magawa para sabihin na buhayin sya at wag gawing kapalit para makatakas sa gulo na pinasok natin. Magdasal tayo. Ngayon, yun lang muna ang pwede natin gawin, MAGDASAL. Pag labas ng mga anak natin, duon tayo gagawa ng malaking move para magbago. This doesn't make me a better person than anyone, dahil malaki ang kasalanan ko. Pero I am hoping na magkaroon yung iba ng ibang perspective. Nagkamali na tayo. Wag na natin gawan ng excuse or ijustify yung irresponsibility ng action natin. Wag na tayo gumawa ng mas malaking pagkakamali.

40 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

God bless mamsh. Thank you for being the greatest mom esoecially for your little one.

Mommy, i pray for you. I felt every word that you said. Please stay strong.

Godbless seo momshie.... Pakaswerte ng baby mo sau... Stay strong❤️

TapFluencer

Well said sis. God bless you and your baby.

VIP Member

Oh my. But anyways Go fighting lang momsh.

nιce one ѕιѕ. god вleѕѕ🤗😇

VIP Member

I salute you. God bless in the future.

Godbless you sis and your baby 😊

VIP Member

Godbless po mommy.. 🙏😘

Madali lang naman gumawa ulit.

5y ago

Anong point mo?