Yung mga partner niyo ba hindi naniniwala sa postpartum depression?

I feel nararanasan ko ito mga Mi, FTM po ako, minsan naluluha nanlang po ako at sobrang sorry sa LO ko kapag nasisigawan ko kapag pinapaliguan ko minsan nag iinit ulo ko naiisipan ko buhusan na lang ng tubig bigla, minsan sa sobrang iyak nya naiisipan ko na takpan bibig nya minsan pinababayaan ko umiyak nagtatakip ako tainga habang umiiyak ako dahil hindi ko na kaya. Minsan sa sobrang pressure at stress ko naiisipan ko na saktan anak ko o sarili ko. Sa tuwing nag oopen up ako sa partner ko lagi nya sinasabi sa akin nasa utak ko lang daw nasa sarili ko daw dapat daw imbis na umiiyak ako nag iisip daw ako ng solusyon. Hindi po naniniwala partner ko sa PPD dahil katwiran nya nasa tao lang daw po iyon. #firsttimemom

3 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Normal lang mii. First few months ni baby sobrang nakakstress sa FTM. Kasi iyak ng iyak si baby, taz madalas wala or konti lng tulog mo. Yung asawa mo sasabihan ka na nagdadrama k lang. Nkakastress tlaga kaya iiyak k n lang tlaga. Kaya mo yan mommy. Tignan mo lang si baby taz isipin mo kaya mo. try mo dn magreach out sa parents mo para humingi ng tulong. Malaking tulong tlaga yung parents ko sakin sa pag aalaga ng baby. #hugs #kayamoyan

Magbasa pa
VIP Member

normal lang yan mii, pero ang importante dyan eh nilalabanan mo yan ako po sa panganay na anak ko nag umpisa na yan eh halos sunod sunod po 3 kong anak haha. Ang ginagawa ko lang eh nililibang ko sarili ko, tapos nakikipag usap ako maski sa chat sa mga friends ko at buti nalang yung asawa ko eh pinakikinggan ako sa kwento ko about PPD, maski sa nanay ko nag kukuwento ko kasi mas maganda na di mo sinasarili yang nararamdaman mo mii.

Magbasa pa
VIP Member

at pinakaimportante sa lahat mag pray ka surrender mo lahat kay God, at wag mong kakalimutan na tignan ang anak mo sa pinaka positibong pananaw kapag puro negativity kana mag isip ka ng positive vibes ☺️ laban lang mommy!