First time Parents

Me and my husband decided na mag resign na ako sa Work ko. Matatapos na kasi ang ML ko and ang kasama ko sa House ay ang aking MIL, working abroad kasi si Hubby. Medyo may edad na si MIL and feeling namin, hindi maalagaan kung solo lang si Madir Earth sa bahay at si Baby, doing house chores plus yung bata. We feel also na, wala na nga si Husband pati ako wala pa sa side ni Baby. Kung babalik ako sa Work. 2 and half hour ang travel time papasok and pauwe sa amin. OTY pa kame sa work. Overload pa. Underpaid naman. Natitiis ko yun dati kasi, Single naman ako, walang nag aantay sa akin tuwing uuwe ako. Chill lang. Okay rin kasi ang Boss and Coworker pero feeling ko, hindi na worthy bumalik sa Work, Simula nung nanganak ako. Parang this time naisip ko ang halaga ng Oras at Pera at Lakas ko. Hindi na ccompensate. Nalulungkot ako kasi going 9 years na ako sa Company, yung mga kasamahan ko maiiwanan ng loads ko. Mamiss koba sila. Yung lakad namin after office, tawanan. PERO KELANGAN KO MAG RESIGN i need to take my time to my little one. Gusto ko makita lahat ng Milestone nya kahit nakakapagod. BF kasi kame. Pero Bakit parang torn ako between two the worlds. Alam ko na dapat kung ano pipiliin dahil decided na kame e. Pero bat may ganto parin akong nararamadaman na gusto ko parin balikan ang toxic naming work. Please respect. tia

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Resign. It will eventually feel better on your end kasi you will be the one who will have a strong attachment sa baby mo. I experienced the same thing. I left my good-paying job to take care of our baby. Ang hirap kasi hindi ako sanay ng hindi nakaharap sa laptop nagwowork at walang inaabangang sahod bawat kinsenas at atrenta. Pero ngayon na 1 yr old na ang anak ko, madami ang nakakaappreciate pala sa sacrifice na ginagawa ko. Kasi kapalit ng pera na hindi ko na kinikita ay yung mga milestones ng anak namin na nakakagulat kasi parang ang advanced. Lahat ng bumati sa anak ko na "ang galing naman, ang talino naman," ay palaging sinasagot ng parents ko at pati pamilya ng asawa ko ng, "siyempre tutok ang mommy niya sa kanya eh." It feels really good and nakakaproud na ito na ang achievement natin bilang mommies -- yung pagpapalaki ng anak na maayos at may takot sa Diyos. My husband naman, 9 years sa sikat na company but he chose to move sa bagong company for a better position and better pay. Na-torn din siya kasi naging comfort zone nya yung work niya doon. Pero sacrifice talaga para sa tinatayong pamilya. Talagang magfofocus lang tayo sa goal natin. :) You will love your moments together. ♥️

Magbasa pa
2y ago

Mam, salamat sa time magbasa, akala ko walang mag aadvice. Tama ka iyon ang Word na tama: Naging Comfort zone ko ang stressful work namin. NaSanay rin ako kumausap ng Tao. Mag public speaking, lahat yun iggive up ko sa pagpapalit ng diaper at paghehele. Nasanay rin na may sariling pera (kahit maliit lang) Pero itong milestone ni Baby ang dapat ko ng unahin. and i surely love our moments together. SALAMAT MOMMY!

resign. may magsusupport dn sa baby mo. single mom ako and naiinggit ako sa mga fulltime mom kasi nasusubaybayan nila mga anak nila. magfocus ka mommy kay baby mo. need ng mga anak natin ang ating presence at pag aruga. iba pa dn ang saya na kasama ang anak compared sa work or mga katrabaho 🥰

Magbasa pa