Currently pregnant pa po ako with my 2nd, and 3yo na rin si panganay by the time na manganak ako next yr. Mahirap po tiyak ang situation nyo, kahit nga na 1 newborn lang, mahirap na, may toddler pa kaya.
Nung buntis pa lng ako, sinabihan ko na si hubby na kailangan kong mas maging close sila ni panganay dahil tiyak na ang focus ko ay mapupunta kay newborn. May yaya din kami pero stay out lng, I prefer it that way. Wala pa po akong techniques na maibibigay pero I highly suggest po na kailangan nyo po talaga ng tulong, kahit na para madistract lang si toddler and to keep him busy. If walang relative na pwede magstay sa inyo, pls consider getting a yaya or kahit housekeeper, albeit mahirap maghanap ng mapagkakatiwalaan ngayon π
Or kung wala talaga, perhaps you'd consider sending your toddler to preschool na para maging busy sya at hopefully ay makapagpahinga kayo for even just a couple of hours na nasa school sya?
These are just some suggestions and hindi ko rin sure if magiging applicable sa situation nyo. Sa pagiging mainitin po ang ulo, mahirap po talagang paging patient and kind kung kayo mismo at pagod at stressed na. Be kind to yourself po. Hugs po! π€