Mga mii normal lang ba nararamdaman ko :(
Habang papalapit ng papalapit edd namin ni baby kinakabahan/natatakot ako. Tho may excitement at saya kasi bibili na kami ng gamit ni baby at makikita na rin namin si baby. Kaso feeling ko nagka anxiety ako dala nung nakunan ako dati na nawala bigla ang hb. Kaya minsan bigla sumusulpot sa isipan ko yung mga what if’s na puro kanegahan. Pinipilit ko rin naman po tumingin sa positive side. Ewan mga mi, sana makaya namin ni baby to. Normal naman lahat ng lab test namin ni baby. Ang kalaban ko lang talaga is yung takot. Tumataas din kasi bp ko sa tuwing kinakabahan/ntatakot ako na para bang may mangyayaring masama. Nagpapray nalang ako kay Lord sa tuwing nakakaramdam ako ng ganito 🥺#advicepls