Which is better manganak sa private or public?

Hello guys. Sa first baby ko kasi dati wala pa kami pera sa may public hospital ako nanganak so para kaming mga aso dun an susungit ng mga midwife na akala mo di naranasang manganak tapos sasabihan kami na "halla sige paunahan kayong manganak". Gusto ko sanang mag private ngaun since meron naman na kaming extra pera para sa panganganak ko kasu iniisip ko sayang mashadong mahal pag normal nasa 50k pagka naman cs nasa 70k plus. Ano kaya mas magandang desisyon dun sa makakatipid pero masama mga ugali or sa mahal kasu mapapagastos ka?#advicepls

7 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

mii nanganak ako sa private isang kilalang maternity private hospital nung 2021. i am a nurse myself pero masasabi ko na madami din di professional makipagusap sa private hospital. i was crying and weeping dahil 21w4d pa lang c baby yet nagbukas na ang cervix ko. di mo masisi sa isang first time mom na 10yrs inantay mabuntis ang maiyak sa takot. may staff na napakasungit dun dahil umiiyak ako. instead na mapanatag ako na nagdadalamhati sa possible loss ng baby ko e pinagagalitan at binubulyawan pa ako. kinausap ko ang OB ko na ayoko na maospital ulit dun. affiliated c OB sa isang Government hospital din sa QC natry ko na din maadmit dun pero napakababait ng Nurse. di ko alam kung dahil alam nila na nurse din ako sa isang Government hospital din kaya mabait sila. pero ang iba sa kanila ay wala din naman alam. genuine ang care nila at maasikaso. even head nurse nila ay kasama nila mag rounds para icheck ang mga pasyente. sa private nagbayad ako almost 200k wala pa ako baby na naiuwi na may kasamang sama ng loob sa staff. dun sa public di umaabot ng 60k ang bill ko bawat admit ko at operation ko e may mababait at maalalahanin na mga staff pa at doctors. tip go to a public hospital and get a private room.

Magbasa pa
2y ago

yes mam. i think it will be a great idea po.

Lipat ka nalang po ng public hospital na panganganakan kasi samin dito goods naman sa public hosp. mababait yung nagpaanak at maasikaso palabiro pa kahit mga halatang pagod na☺️ Marami din nakasabayan kapatid ko sa panganganak sa 1st baby nya pero hindi nagdugyot ang mga wards dun. Nakatipid pa sya kasi wala sya nagastos sakop ng philh. lahat❤️ Pero depende parin po sayo kung san panatag loob mo go mo nalang.

Magbasa pa
2y ago

🥰❤️

Public hospital din ako nanganak 3 na anak ko pero never ko naman na experience yang ganyan😅 ganon talaga kapag yung mukha mo is mas masungit pa sa kanilang lahat,d nila ako pwede ganyan ganyanin pero yung mga kasabayan ko sinisigaw sigawan lang nila. D ako papayag na gaganyanin ako HAHAHA bubuka palang bibig nila saken nakataas na kilay ko.

Magbasa pa
2y ago

hehe bata pa po kasi ako noon. kasu lahat po kami ginaganyan dati matanda man o masbata. kaya natrauma ako doon mashado silang umaaktong parang sakanila ung hospital hehe

TapFluencer

mag lying in private ka mommy, 14k lang and dun sa tiwala ka po dun ako nangank first baby ko alaga lahat basta dun ka magppacheck up hanggang manganak and trust mo yung panganganakan mo

2y ago

siguro po lilipat na din ako dun since ung ob ko dati dun pa rin naman ako kasu mahal sa private hospital san dun siya nage-sched ng mga manganganak

Try lying in sa 2nd baby ko lying in ko plano, if qc ka try mo search yung Birth MD maganda facility don parang pang ospital din and beside d ka naman 1st time manganganak.

2y ago

40k less philhealth yung branch nila dito sa antipolo

San po mas recommend nyo na public? ospital ng manila po or osmak?

public hospital pero private room.

2y ago

magkanu po kaya gastos po pagka ganun?