Hindi ka nag iisa mommy.
2 and a half months na baby ko pero ganyan na ganyan pa rin pakiramdam ko dahil kami lang din dalawa ng baby ko sa bahay maghapon.
Ang iyakin pa ng baby ko at ayaw magpalapag. Madalas gusto nakakarga kahit binilhan na ng duyan at stroller.
Hanggang sa natutunan ko na lang din talaga magpigil ng ihi at dumi hanggat kaya ko. At pag di na kaya, dun na lang din talaga ako susugod sa cr at madaling madali pa.
Pati sa pagkain, natutunan ko na lang din kumain habang karga karga si baby kasi nga umiiyak pag nilalapag.
Ang maipapayo ko lang, ilabas labas mo si baby. Kahit jan lang sa harap ng bahay nyo, like for example yung oras ng pagpapaaraw nya. Pwede mong gawin sa umaga o hapon or pwedeng both. In that way, di mo masyadong ramdam na nakakulong kayo ni baby sa bahay. I-appreciate mo yung sikat ng araw. Nakakagaan ng pakiramdam. Nakakatulong rin ito na makapag socialize ka at si baby sa ibang tao kahit na sa mga dumadaan lang. Kasi ang mga tao, di maiiwasan nyan na mapangiti at mapa small talk pag may baby.
Another thing that works for me yung pag di ko na talaga kaya emotionally, iniiyak ko. Minsan, nasasabayan ko si baby sa pag iyak pero ok lang yun. Atleast nailabas ko. Magaan kasi sa pakiramdam pag nailabas mo yung nararamdaman mo kahit sa pag iyak lang. Then madalas, habang umiiyak ako, sinasabayan ko ng dasal. As in kinakausap ko si God at sinasabi mga nararamdaman ko kasi wala naman talaga akong ibang makakausap bukod kay baby.
Then before pag mga bandang hapon na, dun iyak ng iyak baby ko. Usually kabag yung dahilan. Nabasa ko na madalas kinakabag ang mga baby pag bandang hapon hanggang gabi. Kaya ang ginagawa ko, nilalagyan ko ng manzanilla tyan ni baby sa hapon pa lang. Minsan naman, I use tiny buds product na para sa colic. It works naman. Di na ganun ka iyakin baby ko.
Lastly, dont ever think na saktan si baby. lagi mo iisipin na ano kaya masakit sa kanya, bat iyak sya ng iyak. Kasi kawawa talaga si baby pag nasaktan kahit di natin sinasadya.
Ako, nasigawan ko lang si baby dahil sa walang tigil na pag iyak, sobrang guiltyng-guilty na ko at awang-awa.
Since then na nasigawan ko sya, everytime na iiyak sya, lagi kong tinatanong sarili ko ano kaya masakit sa baby ko bat iyak ng iyak. Iniisip ko na kawawa naman baby ko kasi di nya masabi kung anong masakit sa kanya o kung anong nararamdaman nya. So imbes na inis o galit, mas naawa ako sa baby ko. It helps na hindi natin maisip na masaktan si baby.
Magbasa pa