LONELINESS

Gusto ko lang maglabas ng emotion mga mii. Ang hirap maging first time mom lalo na kung kayong dalawa lang lagi magkasama ng baby mo. Maiiyak ka na lang sa pagod lalo na kung iyak ng iyak ung anak mo, hindi mo na alam gagawin pra icomfort siya. Para kayong nakakulong dalawa. Hindi ka makatapos ng pagkain, hindi ka makaligo, hindi ka makaihi, hindi ka makadumi. Madalas kang malipasan ng gutom. Wala kang makausap. Minsan dahil umiiyak ung anak mo nasasaktan mo na kahit di mo naman sinasadya. Bakit ganito mga mi. Ano bang maipapayo niyo?#pleasehelp #firstmom #advicepls

4 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

ganto ako momsh :( ung minsan gusto mo na lang ilapag at hayaan syang umiyak kasi nakakarindi na talaga. ni hindi ako matulungan ng senior kong nanay. ung partner naman is wala din matulong in terms of pagpapatulog or hele. pero kaya mo yan. pray ka lang. isipin mo ang only way to communicate nila is crying at wala syang alam. 9 months kasi sya sa tyan mo at sobrang bago sakanya ng paligid. titigan mo lang sya momsh, maiinlove ka sakanya :) pero valid ang nararamdaman mo at need mong magpahinga o di kaya lumabas man lang. kausapin mo partner mo momsh o di kaya kung may parents kang mapag iiwanan

Magbasa pa