βœ•

4 Replies

Hindi ka nag iisa mommy. 2 and a half months na baby ko pero ganyan na ganyan pa rin pakiramdam ko dahil kami lang din dalawa ng baby ko sa bahay maghapon. Ang iyakin pa ng baby ko at ayaw magpalapag. Madalas gusto nakakarga kahit binilhan na ng duyan at stroller. Hanggang sa natutunan ko na lang din talaga magpigil ng ihi at dumi hanggat kaya ko. At pag di na kaya, dun na lang din talaga ako susugod sa cr at madaling madali pa. Pati sa pagkain, natutunan ko na lang din kumain habang karga karga si baby kasi nga umiiyak pag nilalapag. Ang maipapayo ko lang, ilabas labas mo si baby. Kahit jan lang sa harap ng bahay nyo, like for example yung oras ng pagpapaaraw nya. Pwede mong gawin sa umaga o hapon or pwedeng both. In that way, di mo masyadong ramdam na nakakulong kayo ni baby sa bahay. I-appreciate mo yung sikat ng araw. Nakakagaan ng pakiramdam. Nakakatulong rin ito na makapag socialize ka at si baby sa ibang tao kahit na sa mga dumadaan lang. Kasi ang mga tao, di maiiwasan nyan na mapangiti at mapa small talk pag may baby. Another thing that works for me yung pag di ko na talaga kaya emotionally, iniiyak ko. Minsan, nasasabayan ko si baby sa pag iyak pero ok lang yun. Atleast nailabas ko. Magaan kasi sa pakiramdam pag nailabas mo yung nararamdaman mo kahit sa pag iyak lang. Then madalas, habang umiiyak ako, sinasabayan ko ng dasal. As in kinakausap ko si God at sinasabi mga nararamdaman ko kasi wala naman talaga akong ibang makakausap bukod kay baby. Then before pag mga bandang hapon na, dun iyak ng iyak baby ko. Usually kabag yung dahilan. Nabasa ko na madalas kinakabag ang mga baby pag bandang hapon hanggang gabi. Kaya ang ginagawa ko, nilalagyan ko ng manzanilla tyan ni baby sa hapon pa lang. Minsan naman, I use tiny buds product na para sa colic. It works naman. Di na ganun ka iyakin baby ko. Lastly, dont ever think na saktan si baby. lagi mo iisipin na ano kaya masakit sa kanya, bat iyak sya ng iyak. Kasi kawawa talaga si baby pag nasaktan kahit di natin sinasadya. Ako, nasigawan ko lang si baby dahil sa walang tigil na pag iyak, sobrang guiltyng-guilty na ko at awang-awa. Since then na nasigawan ko sya, everytime na iiyak sya, lagi kong tinatanong sarili ko ano kaya masakit sa baby ko bat iyak ng iyak. Iniisip ko na kawawa naman baby ko kasi di nya masabi kung anong masakit sa kanya o kung anong nararamdaman nya. So imbes na inis o galit, mas naawa ako sa baby ko. It helps na hindi natin maisip na masaktan si baby.

same tau nq situation yunq laqi lanq kau mag ina mag kasama lalo na pag gabi at laqi rin ako nalilipasan ng gutom dahil minsan ayaw mag pa iwan ng baby ko kahit busog siya although di naman siya nag papa karga anq gusto niya lanq is may kasama siya kaya minsan pag di ko na kaya yunq gutom ko kinakarga ko nalanq baby while eating kesa naman hayaan mo iyak nq iyak....pero di naman iyakin baby boy ko mag 2 months old na siya now 24 nakaka ligo naman ako kahit gising siya iniiwanan ko lanq siya sa higaan minamadali ko lanq maligo ......anq inano ko lanq yunq bored na bored na ako sa bahay dahil nqa 2 lanq kami laqi mag kasama nq baby ko .....wala man lanq makausap buti sana kunq marunonq na baby ko maki pag usap or maki pag harutan e mawawala talaqa bored mo jan....

ganto ako momsh :( ung minsan gusto mo na lang ilapag at hayaan syang umiyak kasi nakakarindi na talaga. ni hindi ako matulungan ng senior kong nanay. ung partner naman is wala din matulong in terms of pagpapatulog or hele. pero kaya mo yan. pray ka lang. isipin mo ang only way to communicate nila is crying at wala syang alam. 9 months kasi sya sa tyan mo at sobrang bago sakanya ng paligid. titigan mo lang sya momsh, maiinlove ka sakanya :) pero valid ang nararamdaman mo at need mong magpahinga o di kaya lumabas man lang. kausapin mo partner mo momsh o di kaya kung may parents kang mapag iiwanan

Been there, and thankful nalabanan ko just think positive lang at pray kay God na bigyan ka po ng lakas at gabayan ka sa pag alaga kay baby. kausapin mu si baby mu sa bawat gnagawa mu sknya, at tignan mu lng si baby mu pag malungkot ka, gagaan po pakiramdam mu. Gnyan lang po ginagawa ko till now mga 2 mos. Na ni baby ko. More prayer lang po Dka po nag iisa na nakaramdam ng gnyan mommy,. Laban lang.. Control ur emotions din po mnsan kasi nasa isip lang naten ung mga bagay na nagpapalungkot saten. ☺️😍

Trending na Tanong

Related Articles