Paano BA DUMAMI ANG BREASTMILK SUPPLY!? 🥲

Grabe na talaga. Lagi naman akong Nagma malunggay soup, my malunggay capsule at malunggay coffee pa, tapos my M2 Malunggay juice pako!! Sabay sabay ko yan tin-take. But WHYYYY??! Di parin ba sapat lahat yan, ni di ko man lang mabusog si LO. ni wala nga kaht isang patak na pwedeng ko pang mapump sana😓 Ano pa ba ang kulang🤕 HELP/SOS sa breast milkkkk pls. Pano ko mapapadami supply ko🤧🤧 anybody there?😔 breastmilk #breastfedbabies #breastfedMom

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi mommy ☺️ Ang breastmilk po natin ay based on Supply and Demand. Ibig po sabihin, kailangan malaman ng katawan natin na may dumedede para gumawa sya ng gatas. Hindi po yung hihintayin muna magkagatas bago padedehin ☺️ Ang pagpapainom po ng formula milk ay nakakababa ng supply, kasi sa bote na nakukuha yung "demand" nya sa halip na sa breast natin ☺️ NEVER po batayan ang output ng pump sa dami ng supply natin. May technique at hiyangayan po kasi ang pagpump ng milk, hindi ito maihahalintulad sa galing ni baby sa pagdede. Tignan po ang output ni baby (pupu, wiwi at pawis), ito ang tunay na batayan kung gaano karami ang nadedede nya. Easier to monitor kung lampin ang gamit, unlike ng disposable diaper na laging dry ang feel ☺️ Siguraduhin po na marunong kayo ni baby na mag-DEEP LATCH para effective and pain-free ang breastfeeding. Wala pong overfeeding kapag breastfeeding dahil effort rin para kay baby ang magsuck, dedehin nya lang po kung ano ang kailangan nya until mabusog sya. At the same time, hindi lang for feeding but also for COMFORT ang reason ni baby sa pagdede, kaya posible na gawin nya kayong "pacifier" dahil being in your breast is their no.1 source of comfort 🤗 Kung super fussy po ni baby na tila hindi nasa-satisfy, read about BABY GROWTH SPURTS rin po just in case your baby is just undergoing this phase. Keep yourself healthy and well-hydrated, try not to stress, mommy. 🤗

Magbasa pa