Induction birthing experience
Grabe hindi biro talaga napagdaanan ko. Ang dami kng first time. I hope you will have time to read. Oct 16, Friday, nag decide akong linis ang stand fan namin. So tinanggal ko ang dapat tanggalin at hinugasan. Squat at exercise na din UN. Before this day Oct 15 pumunta kmi n hubby sa prenatal check up sked ko. Super lakad at neready ko self ko kc naka dress ako at nag rubber shoes. Para comfortable sa paa. As usual, 1cm Pa din. Tinanung ko c OB, "doc, wat should I do pag dumating ang due ko Oct 18 nang di Pa lumalabas c baby? " She asked my latest utz. Then she told me na Oct22 daw ang due ko based sa utz. Ahhh. Eh di okay. Pero dito sa app Oct 18 talaga. Pag IE sa Akin pag dating sa bahay UN may dugo ulit. Kinabukasan Oct 16 di kmi nagwalking kc bongga na ang walking namin napagod kmi n hubby. Instead ng do n lng kmi after ng do. May lumabas na discharge sa Akin, thinking na say hubby UN with blood Pa. Do wala baka sa IE at dahil nag do kmi. Naglinis ng room, nagayos ng gamit n baby at gamit ko din to hospital. Kumain ng pinya. Lunch time kain ulit ng pinya. Afternoon.. Nag decide ako mag zumba, nung naglinis ako ng fan medju marami na ang discharge na lumalabas sa Akin. Nakapanty liner ako dat time. Same thing nung nagzumba kmi ng pamangkin ko. Pregnancy zumba 40weeks. At na feel ko na may something kc dumadami na ang discharge. Bumaba ako ng living room. At kumain ulit. Basa na shorts ko. I told the people at home na baka bag of water kna ang lumalabas. So na excite cla at naligo na ako. Wala c hubby nag work, dat day ma ulan Pa. Tinawagan ko na xa. Dali2x syang umuwi at naka bisikleta lang. In basang2x. Mga past 4pm na UN. Past 5pm nka dating na kmi sa lying in. Interview then I presented my swab cert. Expired na daw kc 10 days lang sa kinla. Ang ending rapid test. Take note I was POSITIVE sa rapid test nila. Sa lying in namin walang induction procedure kya nag hanap cla ng public hospital within our island. Nagworry kmi n hubby kc na isolate na ako, ganun din c papa ang nag hatid sa amin sa lying in. First time kng malagyan ng dextrose kita Pa nila n papa at hubby kng pano gnawa sa Akin kc sa labas lng ako nilagyan. Pero deadma lng ako. Ang sakit pala. Hahaha Covid hospital Waiting na lng kmi, at yun merong hospital. Hospital for covid patients.. Dat time mga 8pm na UN. Gusto ng fam namin na sa private na lng kmi. Ayoko, di dahil sa wal kning enough na pera. Pero part na din UN. Dahil takot ako na baka ma cs ako at tumaas ang bill namin dahil baka eh quarantine kmi nla ng ilang araw. Papatak ang metro ng bill nmn kng sakali man. So nagdecide kmi na push na lng ung covid hospital na 3-4hrs ang byahe from out city. Anyway my ambulance nmn at nurse. C hubby, di na alam ang gagawin. Napapaiyak n lng xa pero d nya pinapakita. Di ko first time sumakay sa ambulance pero 1St time ko na maging pasyente sa loob ng ambulance. Pinauna nila ung isang buntis kc 5cm na xa at cs c madam. Kaloka. Kaya umalis kmi sa city nmn bandang 1:20am na at nakarating ng 2:40am ng Oct17. Okay naman kmi dun. Ako lang ang patient nila. Nagdadasal Pa din ako na sana okay lng c baby. Okay Pa din c baby. Pag check sa Akin 1cm Pa din. Anjan na ang gamot for induction. Nag start humilab puson ko mga 4:30am na kaya ko Pa. May pinirmahan Pa ako na mga papel pero ung vision ko di na okay. Parang blurred na pero kita ko Pa na wrong spelling name ko. Active labor na. Grabe di ko kaya ang PAIN.. Sigaw na ako ng sigaw. C hubby buti nandun para umalalay sa Akin. Grabe may puson, likod, pempem ko na ang masakit. Excited ako maglabor kc gusto ko ma experience kng pano manganak. Pero sa experience kng ito. Cnabi ko sa self ko na last na lng ito at the age of 31. 10am dumating ang OB na in charge, pag IE sabi ilalabas kna daw c baby. Na excite ako. Di ako na inform kng anu gagawin. Hinga ng malalim un lng cnabi skin.nagtagal ako sa labor. Ayaw lumabas kc d ako marunung umiri. Nafeel ko ung gupit sa pempem ko at halukay ng bongga para open ung labasa n baby.Fundal push c OB at un lumabas c baby at 10:25am. C hubby iyak n pala xa ng bongga during may entire labor.pero d nya pinapakita sa akin. Para mag worry ako at mapano c baby. Tahi. Ang tahi na sobrang tagal.c OB di nya makita ang tahi dahil may eye shield na cla may face shield pa na naka cover.subrang lamig na ng room.di ko kaya ang lamig.nanginginig na laman ko. Lahat ng tahi nyA, ramdam na ramdam ko din. Sobrang sakit ng labor to the point na may almoranas ako.kaloka di ba.? First time kng magka tahi in my life.pero para kay baby.matapus lng lahat ng to. Sinabihan ako ng pedia na maam ang ingay2x nyu po.dinig hanggang gate ang sigaw nu.kaloka. hahah c hubby naging assistant ng pedia para tignan ang mga measures kay baby. Masaya ako dahil nay special participation c hubby na UN ang gusto Kong mangyari para makita nya ang paghhrap ng isang babae sa times ng panganganak. Rooming in. Kmi lang sa room n hubby at baby. Sobrang in it, walang aircon at fan. Ung gamit namin tipong 2-3 days lang. Wala din kmi enough supply of water. At walang signal na maayos ang buong building. Need mo mag stay sa place or window para maka tawag or messenger man lang. Pero nagpapasalamat Pa din ako at safe kming lahat. Pero grabe ang pagod at sakit ng tahi ko. Nag stay kmi sa hospital ng 8 days. May food cla na bnibgay. C baby may 7 days na antibiotic. Bawal kmi lumabas ng room kaya nanilaw c baby kaya nagphoto thearapy xa ng 2 days. May mabait na nurse at may okay din. May mga strict din na nurse. To the point na nilolock ung door knob namin. As bawal. Nag reswab ako, c hubby nag swab din. Oct 23 dumating ang result. Night before that, na swab c baby. Nagtaka kmi bakit pati c baby? Kng anu2x na nasa isip nmn. Baka positive nga ako or c hubby. Ung feeling na nadedepress na kmi iyakan na kmi n hubby that night. Di kmi nagkikibuan. Lalim na ng iniisip namin. Friday morning. Grabe na iyak ko. Di ko mapigilan. Friday afternoon. Dumating ang good news. Negative kmi n hubby. Baka lalabas na daw kmi. Grabe ang lakas namin kay Lord. Di ko ma explain ang goodness at miracle n God. Pero actually lumabas kmi Sunday Oct 25 na. Slamat talaga kay God at sa lahat ng prayers. God listens in deed. Pag uwi namin sa ambulance din kmi. Binigyan ko ng food ang nursery staff na nag alaga sa amin with thank u note. Ito mga sis. WalA kming bnayaran sa hospital. Expire na din ang philhealth ko. Kaya sa SWA kmi nilapit. Government hospital kmi at salamat talaga di kmi pinabayaan. Ung tipong cash lng nmn in 15k. Thank u Lord talaga. Ang biyaya nya sa amin ay umaapaw. Ang hirap pero ramdam ko na fi kmi binigo ni Lord at lahat ng mga mahal namin sa buhay. Di ko alam kng pano lahat ng yari. Pero masasabi ko lang. Lord salamat sa bagong buhay. Btw, LOUKAS GABRIEL name n baby, 2.9kls Loukas- (Greek name for Lucas which means 'You're my light' Gabriel - which means strength.. C baby ang aming liwanag at lakas sa lahat ng bagay. DOB Oct 17 EDD Oct 18 #1stimemom #firstbaby #theasianparentph Salamat sa app na to. Team October kaya natin to.