Caesarian Delivery

Good day everyone ! Kaninang umaga po September 3,2019 nalaman ko result ng pelvemetric ko and dun na po sinabe ng OB ko na hindi ko kayang magnormal dahil sa size ng sipit sipitan. Sobrang naiyak po ako sa takot mag undergo ng caesarean delivery . The size is only 8cm and the normal size para makapag normal delivery is 10cm plus my baby's head size is 10.2cm . Isa pa pong reason ay nakacephalic ang baby ko pero nakatihaya raw po siya . I was so stressed about it and very disappointed because every night I was praying to have a normal delivery . Para maalagaan ko ng maayos ang baby ko at makapag bond kami ng maayos. Nag diet and exercise rin po ako all throughout my pregnancy . Sobrang nanghihina po talaga ako physically,emotionally and mentally . Eto po ang pinafirst time kong maadmit never in my whole life pa po akong nahohospital at nacoconfine kaya sobrang takot na takot po ako sa mga mangyayare . Btw nakaschedule na po ako next week Monday September 9 for caesarian delivery . Gusto ko po humingi ng payo sa mga mommies na nag undergo ng c-section lalo na namatay po last christmas mama ko kaya wala na po ako mapaghugutan ng lakas at kaalaman . Gusto ko rin po humingi ng pagkakataon na iinclude niyo kami ng baby ko sa mga prayers niyo . Thankyou in advance and Godbless ?!

50 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Me too CS din,, September 8 ako naka schedule for CS,, ang iniisip ko nalang ngayon ay si baby,na sana mailabas ko sya ng maayos, safe at malusog,,, di ko nalang iniisip yung sakit at gagastusin sa hospital ang akin lang safe kaming dalawa ing Gods Grace... Goodluck sa atin sis,,,,

5y ago

Good luck satin sis . Godbless 💙💕

VIP Member

Don't think on a negative side mamsh.. Try to look in a positive, wag mo isipin yung takot.. Isipin mo na pagka tapoa ng lahat ng yan makikita mo na din yung anghel mo.. Ako bilang 1st time magiging mommy ang tinitignan ko yung magandang kalalabasan na and pray lang mommy

5y ago

Oo sis . Wala nakong choice kundi maging stromg for baby .

Tanong ka po ng tips pa'no pa lalaki sipit-sipitan mo. (Sorry. I didn't have any idea rin po.) Pero 'wag kang kabahan o matakot ma-CS, Mommy. Mahirap na baka sa mismong day ng panganganak mo, ma-high blood la pa. Ganun po talaga, eh. Tiis lang.

Ewan ko ba kung bakit pero ako natutuwa ako na CS ako. Hndi ako nag labor or umiri pag gising ko anjan na si baby 😊. Tapos ung pag papagaling ang bilis lang. So nothing to worry about. Pray lang. isipin mo na lang makakaraos kana.

safe ang cs. kaya lang kc ayaw natin mcs kc matagal ang recovery and magkakaron ka ng tahi pero other than that ok naman basta alagaan mo sarili mo and need may tiwala ka sa ob mo para mas madali ang magiging recovery mo.

Parehas po tau mommy ng sitwasyon kanina ko lang din po nalaman na hndi ako pwedi mag normal delivery,never din po ako nahospital kaya sobrang takot ako,isa pang problema namin ng asawa ko wala kaming 50k na pangbayad,,

5y ago

san pong hospital kayo manganganak?

VIP Member

Karamihan mas gusto nila cs kasi kahit makatulog ka pag gising daw nila ok na nakalabas na pag normal pagdadaanan mo lahat tahi lang naman daw sa tiyan ang pinagkaiba e pero mas painful daw ang normal.

Sis wag ka matakot CS din ako, nanganak ako nung 29 lang ok naman. Nung una kabado pero ito now nagrecover na ako. Naalagaan ko naman baby ko. Wag ka matakot. Pray ka lang po na maging maayos ang lahat.

5y ago

Maraming salamat sis . Kakayanin ko to para sa baby ko .

Prayers for you mami and baby, need talaga natin tatagan loob natin para sa sarili natin and lalo na kay baby. Pray lang mami makakaya mo yan magtiwala ka lang sa sarili mo ang kay Lord 🙏😊

5y ago

Maraming salamat sis . Yes Im always praying kase yun nagpapalakas ng loob ko yung pag gabay ni Lord saki

Kaya mo yan momsh .. sinasabi ko sayo sisiw lng yan pag nailabas mo na si baby .. sa una talaga masakit pag wala na anesth. Pero worth it lahat pag nkita mo si baby goodluck and godbless

5y ago

Kakayanin sis para kay baby kahit sibrang hina ng loob ko . madami ako natutunan kay baby .