Pashare lang po

"Galit na galit yung ilong" "Ang laki ng noo" "Ang laki ng mukha" "Buti nalang maputi hindi lugi" Yan madalas naririnig ko sa MIL ko nakakalungkot lang isipin na kahit baby eh kailangan pang laitin dahil lang ako ang kamukha at hindi ang anak nila. Kahit mismong LIP ko sabihin sakin "ang panget eh kamukha mo" πŸ˜” Nakakalungkot lang na ganun pa maririnig ko sa kanila lalo na sa LIP ko na kahit isang damit o kahit bill lang ni baby sa hospital eh wala sya naiambag kahit isang pacg ng diaper ni baby walang ambag tapos ganun pa marinig ko πŸ˜”πŸ’” #1stimemom #firstbaby #advicepls #breastfeedbabies

Pashare lang po
468 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

tampalin mo lip mo momsh kapag nagsalita ulit ng ganun, wala nmn pala sya ambag sa lipunan πŸ™„ next time sabihin mo 'kesa ikaw ang naging kamukha edi kawawa naman nagmana sa walang kwenta'

VIP Member

wag mo sila pansinin..lahat ng baby cute..kung nilalait nila ang baby mo sila ang my problema sa pag iisip at pag uugali..basta pagpatuloy mo lang ang paging mabuting mommy sa baby mo..😊

Ganyan din narinig ko nun sa MIL ko kahit pabiro, habang lumalaki si baby nagbabago itsura ngayon wala sya masabi. Hayaan nalang po cguro , pag dasal nlang. Ang cute kya ng baby nyo ☺️

Panget ba yan? Ang cute cute nga. Sila kamo ang panget, panget ugali. Hehe. Hayaan mo sila Meme. Mas mahalaga, nandyan ka lagi for your baby. Hindi importante sasabihin ng kahit sino man.

dont mind them.. hind naman importante ang opinion nila sa buhay mo kahit saan namang aspeto ng buhay may masasabi at masasabi ang mga tao feeling perfect.. just focus on your baby sis

grabe yan, ansakit. nakakadepress. mil ko, would always say ang itim.. iggluta natin yan si baby, pango ang baby.. she even bought ung clip sa ilong pampatangos, as if pwede sa baby.

ang pogi kya n baby ,palangiti nga e,cute cute 😍😍wag nio nlng istresen yung sarili nio.may mga ganyan tlgang tao .inggit lng yun .who you sila kay baby pglumaki .hahaπŸ˜‚πŸ˜‚

Wag mo na lang pong pansinin. Kasi kadalasan po, pag mas pinansin, nagpapapansin lalo at di nila naffeel na nakaka offend na sila. If you stay quiet po, baka mahimasmasan sila. :)

cute po ni baby mommy! wag kang maniniwala dyn sa MIL mu tska yang partneer mu wala naman pala naiambag kahit singkong dulig kapal mukha nya bwisit sya. kakagigil yang partner mu.

ang cute cute nga e momsh. pag sinabi ulit sayo yun mil mo at lip mo. sabihin mo kung sila lang magiging kamukha wag na. haha. sagutin mo sila, tutal wala naman pala silang ambag.