false labor

ftm ask kolang po mga mi hanggang ilang araw po tinagal ng experience nyo sa false labor bago kayo mag true labor? 38weeks and 1day napo ako nananakit na balakang kasama likod at naninigas na tyan masakit sa puson at masakit na mga legs pero tolerable po yung pain parang natatae kahit wala, 2days kona po kasi to nararamdaman kada 1minute nag cocontract po yung balakang ko at ilalim ng puson june 27 prenatal ko 1cm nadaw ako, false labor lang kaya to mga mi sabi kasi ng hospital pag aanakan ko balik nalang ako kapag manganganak na gabi gabi rin ako nag tatake ng pineapple juice at nainom ng nilagang luya TIA.

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

ang sign na nagle-labor na ay contractions or paninigas ng buong tiyan (hindi balakang or puson lang). kapag naninigas ang tiyan, mapapahinto ka sa sakit. ang interval ay 3-5mins. nagstart sakin ang persistent contractions, within the day nanganak nako.

1y ago

ang contraction ay tumitigas ang tiyan for ilang seconds then lalambot or rerelax ulit ang tiyan. dahil un ang tumutulak sa bata palabas. based from experience, hindi sia sakit sa balakang or ilalim ng puson lang.