Nahihirapan tumagilid at sumasakit yung puson

FTM po. March po edd ko sa ultrasound. May nakaranas po ba sa inyo ng nahihirapan tumagilid sa kaliwa pag matutulog? Nag try po ako pero sumasakit po yung tagiliran at puson ko. Sumakit pa po yung tiyan ko nitong last try kong tumagilid sa kaliwa. Sumasakit na po kasi yung balikat ko sa kanan, mabigat naman sa tiyan pag naka diretso lang. May tips po ba kayo? 😅 #firsttiimemom #MARCH2025BABY

5 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

lagay ka sandalan mi na unan sa likod mo pag hihiga ka na sa left, para relax yung shoulder at back mo sa paghiga pakaliwa. unan na rin between your legsss. need talaga natin ng maraming pillows for support hehe

Gamit ka po ng maternity pillow pra mas kumportable. Lagay ka rin ng unan sa legs mo at paa pra elevated then ibend mo po legs mo pra hindi masakit.

Same po. Dati oks naman mahiga ng pakaliwa pero now ang sakit sa tagiliran 😩 mas komportable pa humiga ng patihaya. 5months preggy na.

maglagay ka po ng unan sa pagitan ng binti mo. at saka maglagay ka din po ng unan sa paanan mo po para komportable sa paghiga

VIP Member

Sanayin mo po sarili nyo nakatagilid lalo na sa kaliwa para po kay baby maganda po daloy ng oxygen papunta sakanya