Anu-anong side effects ng vaccine ang naranasan mo?
First time kong nilagnat sa bakuna nung nagpa-2nd dose ako ng Moderna. Siguro kung di ako aware na common naman ang magkaroon ng side efffect, matatakot ako. Sa mga dating bakuna ko pati na nung 1st shot ng Covid-19 vaccine, pangangalay ng binakunahang braso saka mabigat na pakiramdam lang naranasan ko. Pero itong 2nd dose, nadagdagan ng sobrang pagkaantok at kinalaunan, lagnat. Isang paracetamol lang naman katapat at pagkatapos ng mga 2-3days, nawala na rin ang side effect. Baka kasi may mga nag-aalangan magpabakuna dahil sa side effect. 'Wag po kayo matakot. At yung ibang di nakaranas ng side effect, baka isipin naman na walang bisa sa kanila ang vaccine. Hindi sya ganun. Sadyang iba-iba lang ang response ng katawan natin. Sumali sa Team Bakunanay (facebook.com/groups/bakunanay) para maliwanagan sa mga tamang impormasyon tungkol sa bakuna πβ€οΈ #TeamBakunaNanay #BakuNanay