4 Replies

Hi mii first time mom here. Ngayon ko lang din nalaman na ganun pala talaga ang bilang. 3 weeks palang nung ginawa namin pero 6 weeks na sa bilang ng OB 😅 Eto po ay based sa nabasa ko ding articles at nagtaka din po ako kaya naging curious pano nga ba ang bilang. Start po ang bilang sa start po ng cycle nating mga babae. Oras po na may nagmamature na egg cell sa ovary palang week 1 na po pala yon😊Tapos week 2 ovulation po lalabas po si egg cell sa ovary maghihintay po ng sperm. Hindi ibig sabihin kung kailan nyo ginawa e yun ang week 1. sa week 3 po sya papasok kapag po nagmeet na si sperm at egg cell. sa week 4 po proseso ng pagsasama nila para maging isa at pagpunta na rin sa uterus. week 5 to 6 po ay start na ng development ng embryo. Dun na po start ng pagkakaroon ng heartbeat. Sa case ko po 7 weeks na dapat pero dahil irregular po ang cycle ko e 6 weeks palang po ang development ng embryo. Iba iba din po ang pagbubuntis at development dipende sa cycle natin. Sana po nalinawan kayo at si hubby. Ingat po kayo ni baby🥰

Hello po, naka pag ultrasound kana po ba? trans-v po.. kasi diyan mo malalaman ang result. Estimated lng nmn po ang computation ng OB kasi binibase po yan sa first date ng period po.

Start po sa first day ng mens ang pgcount po momsh..Sabi kasi ng OB ko pag nagstart po yung mens natin dyan din po nagdedevelop yung bagong egg po natin..

regular ba ang period mo sis nung nireregla ka pa?

Regular po

Trending na Tanong

Related Articles