Hi fellow mommies,
Sino same case ng baby ko, she's 7months old now pero di pa rin nya gusto kumain 🙁 exclusive breastfeeding kame, di rin sya marunong sa feeding bottle.
Nung 6mos sya nagtry ako pakainin sya ng cerelac nung 1st day okay, although parang di nya masyado nilulunok pero parang okay sakanya ang lasa, then 2nd day morning ginawan ko ulit sya cerelac then nung sinubuan ko na sya ayaw na nya, nasuka pa nga sa lasa 🙁 pinatikim ko din ng gerber, same din nasuka din sa lasa.
Ngayon 7mos na sya, now ko nlng ulit sya pinakain, ginawan ko mashed potato with breastmilk ko same pa din ayaw pa din nya kainin 🙁 naduduwal din sya 🙁
Paadvise naman po kung ano strategy nyo mga mommies kung may same case ng LO ko dito.
Thank you
#firstbaby #1stimemom
#advicepls
Cessy