Mahina ang heartbeat ni baby at 6 weeks
Hello everyone, May same case kaya ng sakin dito? 03/03/2023 - last mens ko (btw my PCOS ako) So binigyan ako ng gamot para magkaanak. Kasi gusto na namin sundan yung 7 years old naming anak. So ayun na nga Ininom ko yun for 10 days tapos inadvised na need namin mag Do ni Mr anytime between 03/11-03/16. So nag do naman kami ni Mr that time. 03/27/2023- may kakaiba akong naramdaman feeling ko buntis na ko so nagPT ako pero nagative. 04/02- feeling ko talaga buntis ako kaya nagPT ulit ako. Nagpositive na sya. dalawang PT ginawa ko both positive. Gabi ako nagPT neto. So nabasa ko mas accurate sa umaga.so inulit ko. 04/03- pag gising na paggising ko nagPT ako. Positive pa din.. so nagpacheck up na ko. Binigyan ako ng folic, calcium, multivitamins at pangpakapit since nakunan ako nung January 2021. So binigyan ako ng mga gamot ng walang pinapagawang laboratory sakin dahil too early pa daw based sa last mens period ko. Inadvised ako na magpatvs after 2 weeks. 04/15- nagpaTVS ako sa ob sonologist. Pero mahina daw ang heartbeat ni baby at 6weeks and 1 day.. kaya pinadoble yung gamot na pangpakapit. May question is, sinusunod ba talaga yung last mens? I mean hindi kaya hindi pa talaga 6 weeks si baby? Kasi pinag do kami between 03/11-03/16. 🤔 Tapos kung mahina ang heartbeat ni baby, ano po Maia advise nyo para umokay si baby. Ayoko na kasi makunan . Nakakastress.