12 Replies
Aug 26 naman po edd ko. Pero Aug 19, nakaramdam na ako ng contractions, every 3 to 4mins tapos mahigit 1min ang tagal. Nagpunta na kaming DR, pag ie sakin 1cm palang at papauwiin daw muna ako. Ipahinga ko nalang daw muna. Bago kami umuwi ng bahay, kumain muna kami sa labas pero namimilipit na ako sa sakit. Pagkauwi ng bahay. Umiyak na ako sa sobrang sakit. Mas intense na. Kaya nagdesisyon na bumalik ulit ng hospital. Pag ie sakin 3cm na. Inadmit na din ako. Matagal ang progress sakin, in pain sobra. Nagrequest na ako ng epidural, pero saka lang ako napapainless mga 6am na ng aug20, dumating ob ko ng mga 7am. Niprepare na kami for normal delivery. Mga 10am, pinutok na panubigan ko. 11am fully dilated na and may bloody show na pag ie sakin. Kaso si baby, di bumababa. Ilang beses naming nitry mag push. Kada ire ko kada hilab bumababa si baby, pero after ng hilab umaakyat ulit. Nagdecide na si ob na iCS na ako kahit ayaw niya sana. Kaso padrop na din heartbeat ni baby. Nakaraos ng around mga 12pm. Kaso ngayon, maiiwan muna si baby sa scu kasi nidiagnose sya ng sepsis. Need 7days for antibiotics. Pwede sya dito sa room, kaso mas matututukan daw pag nasa special care daw sya. Masakit para sakin lalo nat 1st time mom at maiwan si baby. Pwede naman sya bisitahin anytime.
Congrats po ako naman 39weeks and 5 days na today last check up ko 1cm na pero natural lng ba ung tigas ng tigas ung tiyan EDD ko is AUGUST 25 pero till now diko parin Alam may lumalabas na white I don't know kung sperm lng ba siya or spotting hndi ko PO kasi Alam e 1st time pregnant po ako may time naman na na sakit tiyan ko and balakang ko pero hinahayaan ko lng muna ang pinaka inaantay ko is ung puputok panubigan ko bago pumunta sa doctor Tama PO ba ito ginagawa ko pa reply naman PO thanks po mommies!
Congrats momsh! 💛🎊 mataas siguro ang pain tolerance mo. Nong nag 3cm ako halos maiyak na ako sa sakit e kaya nagpunta na kami ng ER/hospital kaagad, muntik na kami pauwiin kasi ang layo pa raw kasi 3cm pa lang, that day din nanganak na ako since dire diretso na pagtaas ng cm ko. Di mo talaga masasabi kung kailan ka manganganak.
congrats po sana kmi din mkaraos na edd aug 24 39weeks and 2days na ako, ngaun gabi ngsstart n sumakit puson at balakang na medyo pasakit na ng pasakit, last ie ko nung sat close cervix na ako pero malambot n daw cervix, sana eto n ung start ng labor ko sa sun pa ako ulit mai-ie praying for all na makaraos n din tayo 🙏
hoping for your safe delivery po ❤️
same my experience mii😂😂 stock sa 4cm almost two weeks . then last july 28 nanganak na q ng walang labor na naramdaman . pag dating sa ospital pag i.e sakun fully dillated agad, deretcho delivery room agad . nag ask pa q sa doctora q na mag bibihis muna q. kaso natawa c doctora , manhid daw ba q😂😂
congrats po satin ❤️
Congrats sa atin mi. Nakakainspire din magshare ng aking experience, nung 14 ako nanganak. Edd ko sa lmp 26 aug, sa uts ko 16 Aug. Scheduled for CS ng 18 Aug naging ECS nung 14 due to my sacral cyst kaya di pwedemg normal delivery. Welcome to motherhood sa atin. Mommy of a healthy baby boy here.
39weeks and 2days nako wla pang mucus na lumabas sakin paminsan² sumasakit puson syaka balakang ko pero nawawala din last ie sakin 38weeks aq close padaw cervix ko niresetahan ako ng primrose this coming week magpapa IE ulit aq ewan ko kung umepekto ba sakin yung primrose hays sana makaraos nadin.
hoping for your safe delivery po ❤️
congrats mommy at nakaraos ka na po 🤗 ngayon po 39 weeks po ako may mucus plug and may leakage po ako ng panubigan pero di naman po madami. Still waiting for active contractions interval of 2-5mins malapit lang naamn din po ospital samin easy to commute naman po.
congrats mi sanaol walang pain ang labor. dami ko nababasa na august mommies walang pain pero fully dilated na. ako 1 week na ako prang may dysmenorrhea at super sakit balakang 3cm palang.
Same tayo mi. Tue pa ako 3cm hindi pa nagprogress. Sakit puson lang din saka likod
sana makaraos na rin ako😣 August 23 EDD ko pero puro paninigas lang nararamdaman ko and parang mabigat sa puson, any tips po? 2cm po ako nung IE ko August 12.
actually po, di ko alam kung nakatulong ang mga to: every day (from before pregnancy up to 37wks): lakad papunta at pauwi sa office (30mins) + hagdan (4th floor po office ko) then starting 35 wks til delivery: 2x a day po ng red raspberry leaf tea 6 dates per day ayan po. hoping for your safe delivery po ❤️
Anonymous