Every month ako nireregla, no delay. Natigil ako mag take ng pills last March 2024 pero niregla pa din ako that time last March end. Itong April before magend bigla sumasakit ngipin ko wisdom tooth, nahihilo hilo na ako, nasusuka lagi sa byahe which is not normal sakin dahil sanay naman ako bumyahe. Binaliwala ko lang yun. Kaya nung nag April 30 na hindi pa din ako nireregla nagtry ako magPT. Nagpositive siya. I was waiting for my first day off this May para sana magpacheck up na. Pero bigla akong nagspotting. Sobrang sakit ng puson ko kada may lalabas na konting dugo. I tried to go to the nearest public hospital 3am pero hindi ako tinanggap dahil wala daw silang OB. Kaya ang ginawa ko cinontact ko last OBgyne ko sa 1st born ko. Mamaya pa schedule namin sa kanya but nagbigay siya ng reseta sakin ng pangpakapit.
Nacoconfuse ako mga mamsh, hindi ko alam kung buntis ba talaga ako or regla to. Pero nagpositive kasi ako. at kung buntis ako talaga natatakot ako. Sobrang dami ko ng inadd to cart na mga pangbaby na clothes at gamit. Naiiyak ako na natatakot pati asawa ko napuyat sakin kagabi kasi diko maiwasan mag isip ng kung ano ano naiiyak ako. Pero thankful ako kasi nandito siya ngayon sa tabi ko. Binibigyan ako ng lakas ng loob. 😭