Public Hospital Rant
Currently 32 weeks pregnant. High risk daw ako pero pinaghintay ng 8 hrs sa pila. Bat ganun no mga mhie pipila ka ng 6am sa OPD hospital tapos ang ending uuwi ka ng 6pm. Yung doktor sa mga public hospital parang ang unprofessional nila irefer ako sa ibang doktor at ang ending hindi rin ako inasikaso tapos sa halos 8 hrs na paghihintay CPG lang pala ang kukunin saken. Nasayang yung oras at pagod tapos sobrang init pa. Nakakainis pa na mamatay kana yata sa paghihintay dahil sa gutom tapos ang ending sisihin kapa ng doktor keso eme eme. Bakit kaya ganun no kung sino yung mga professional sila yung mas mahirap kausap? Nagmumura pa sila sa harapan mo. Tapos yung mga nurses parang supervisor ang mga talak. Since nagpa check up ako sa hospital ganun na talaga ang attitude nila. Kaya tuloy parang gusto ko nalang mag private. Kung hindi lang talaga sa baby ko. #Sharing_dong_Bund #firsttimemom