Stressssss

Currently at 32 weeks po first baby ko po. Pang gabi ang work ko at sa bahay kami ng pamilya ng partner ko nakatira now dahil don malapit ang work namin. Hirap ako makatulog kahit konting ingay lang kaya sobrang nakakastress na hindi ko rin sila masabihan na wag masyado maingay dahil nakikitira lang naman ako at hindi ko yon bahay. Parang gusto ko nalang bumukod pero baka masamain ng partner ko kapag bumukod ako. Ayaw ko rin lang talagang mapagawayan namin dahil sobrang selan ko sa pagtulog. Gusto ko lang sana makatulog ng maayos ayos habang nagwwork pa ako dahil sobrang sama sa pakiramdam na papasok ng kulang sa tulog. Minsan feeling ko sobrang ungrateful ko na kasi pinapatuloy na nga ako at mabait naman ang trato saakin tapos naiisipan ko pa umalis. Baka po may mashare kayo or insight kasi hindi ko rin po alam bakit parang sobrang big deal ng tulog sakin ngayon at sumasama talaga ang loob ko na hindi ako nakakatulog ng maayos. Salamat po.

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

hi mi, sleep is essential parang food yan e. Kapag gutom ka nakaka init ng ulo same as sleep kapag halos wala o kulang ang tulog apektado ang buong katawan. Buntis ka man o hindi need mo ng proper na tulog kase makaka apekto talga yan sa everyday mood mo. Better talk to your husband and better din ung snsbe mo na bumukod kayo. Hindi naman masama na magsabi in a nice way sa asawa mo at hindi din naman masama ang pagbukod. Mas mabuti nga ang bumukod kse may asawa/pamilya ka na hindi po pagiging ungrateful un basta mag uusap kayo sa maayos na paraan 😉 Share ko lang, gnyan din husband ko nung dun kme nakatira samen (family ko) okay din pakikitungo nila sa husband ko kaso ung ingay para wala na silang pakialam sa ntutulog malalakas kas tlga ang boses nila 🤣night shift si husband halos 2 or 3 hrs lang tulog nya sa umaga kse maingay tlga sila sbayan pa ng mga aso at pusa haha..lage syang bad mood... kaya ngdecide kme bumukod, walang problem sa family ko ang pgbukod namen..okay na din sleep ng husband ko nakaka 6 o 5 hrs na sya at good mood na din sya. Kaya kapag may bisita kme sa bahay, bawal maingay sa umaga...our house, our rules 😉

Magbasa pa