Are you a SAHM, WFH mom or Working Mom?

Bakit nakakapagod ang #momlife? 😔 Pag stay at home mom ka, ikaw ang gagawa ng gawaing bahay at buong oras mo ilalaan kay baby. May times pa feeling mo mag-isa ka at walang tumutulong sayo. Nakakapagod. Pag work from home mom ka, magta-trabaho at mag-aasikaso ka parin sa bata at sa bahay. Sabay sabay yung kailangan gawin. Nakakapagod. Pag full-time working mom ka, madalas wala ka sa bahay at nakaka-guilty na wala kang oras masyado sa anak. Makakarinig ka pa minsan na inuuna pa ang trabaho kesa sa pamilya. Nakakapagod. Kaya shinare ko tong moment ko with baby. Kuha na naman 📸 ng asawa ko. Nakasiksik si baby sa akin habang nag-eedit ako ng videos. Madalas sisingit pa yan ng dede. Hindi ko na kailangan sabihin, pero alam ng asawa ko na physically, mentally at emotionally nakaka-pagod. Minsan maiinis pa ako. Masamang nanay na ba ko? Hindi, pagod lang. 😞 Sa mga nakakabasa nito, sana intindihin niyo rin si mommy. Kasi sa madaming pagkakataon, siya ang umiintindi sa pamilya. And at the end of the day, ang pagiging nanay parin natin ang pinaka-importante. STAY STRONG, KAYA NATIN TO ❤️

Are you a SAHM, WFH mom or Working Mom?
undefined profile icon
Magsulat ng reply
Maging una na mag-reply