Depende sa case and need po yan talaga so you have to always keep in touch sa doctors niya and therapists para po tama palagi ang binibigay na help sa kanya.
My brother was diagnosed with mild ASD 12 yrs old na. Nung bata sya late speech at learning disability ang diagnosis kaya speech therapy lang ginawa sa kanya + regular school pero lower level sa age nya. Nung nadiagnose sya ng ASD nung 12 y/o, tsaka sya pinasok sa SPED + speech therapy pa rin but he was referred to add Occupational Therapy. After that alam ko meron pa ibang type of therapy naman. Eventually umayaw na brother ko nung 16 sya kasi nagsawa na, paulit ulit daw 😂 He seemed ok naman sa SPED school niya and continuous din checkups nya sa psychiatrist naman hanggang ngayon na 20 na siya. May meds din kasi siya ngayon.
Anonymous