About breastfeeding

Hello ask ko lang po how can i stop producing milk? Any idea and tips po mga mommy na nagbbreastfeed? Hirap na po kase tlga ako , mas masakit pa naranasan ko dito sa pagkaroon ng gatas kesa nong nanganak ako 😭 3 weeks na po since i give birth. #firsttimemom #adviceplease #concern #breastfeed

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Unfortunately, lagi napag-uusapan ang hirap ng pagbubuntis at panganganak pero rarely ang post-partum and lactation 😢Anyways, unstable pa po ang milk supply nyo during this time kaya may tendency na mag-oversupply at magkaroon ng breast engorgement. Based on Supply and Demand po ang breastmilk natin, so unti-unting mawawala po yan kapag hindi nyo na pinadede si baby. Pero at the same time, si baby lang din po makakatulong sa inyo para mawala ang pananakit ng dede nyo... magtulungan na lang po kayo... Huwag po kayong biglaang magstop sa padede at baka magka-mastitis po kayo, infection po iyon at lalong masakit at delikado. To provide relief, pwede kayo maglagay ng cold compress sa boobs nyo (use cold towel, or cabbage leave na galing sa ref). While you may use hot compress/ take a warm shower naman to stimulate blood circulation and help with the milk flow bago maglatch si baby. Para hindi po masakit magpadede, make sure po to learn how to DEEP LATCH. Common po ang nipple pain sa breastfeeding moms kasi ang usual advice na natatanggap natin ay "natural lang yan. Tiisin mo lang, masasanay ka rin" 😢 but the truth is that breastfeeding is NOT supposed to be painful. Kapag masakit po, i-unlatch si baby and try again (insert a clean finger sa pisngi ni baby to break the suction). Medyo challenging po at first na mamaster ang deep latch pero once nakuha nyo na po, it's well worth it. Watch this video on how to avoid nipple pain: https://youtu.be/WVEABNhXr1A?si=Y1f8voRdjOHSp51D Kung engorged breasts na po, possible din po na ayaw maglatch ni baby kapag naninigas ang nipple and areola. Do breast massages po before latching, at para mapalambot ang nipple, gawin nyo po itong nasa video: https://youtu.be/3ULnIUeHAIM?si=_MX7lD2kZquU7FSV Medyo masakit po pero konting tiis lang para maglatch si baby, at maginhawaan rin po kayo... Lastly, I highly recommend po na magjoin kayo sa FB grp na "Breastfeeding Pinays" for proper education and support group on breastfeeding ☺️ (https://www.facebook.com/groups/breastfeedingpinays/)

Magbasa pa
8mo ago

Btw thank you po sa advice 🫶🏻

my over the counter po na meds.

8mo ago

Nasa china po kase ako mhie wala po dito. May i ask ano name po? Pasabuy nalang ako sa mga pumupunta dito sa china po