2 year old appetite

Hi! Ask ko lang mommies pano ginagawa niyo sa 2 year old? Problem ko po ay hindi sya nakakasabay ng kain sa amin. May sariling oras po sya ng pagkain. Nagmimilk pa rin po sya. Eh nahihirapan po ako balansehin kasi gusto ng daddy nya nakakasabay kumain kaya ang nangyayari minsan sapilitan ang pakain sa kanya, naawa naman ako sa bata kasi bakit pipilitin kung ayaw talaga. Ang maganda naman po sa anak ko, kapag naggugutom sya nagsasabi naman ng “um” or “papay.” Pano po ba gagawin? #Needadvice #firstmom

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

kami, maliit pa lang, sinasanay na namin sia sa routine para makasanayan nia. nasa sarili niang chair sia para kapag oras ng kain, alam niang uupo sia dun. ung oras ng pagkain, kasabay sa oras ng kain namin. ung pagbigay ng food ay in between ng milk. ang pagbigay namin ng milk ay every 4hours. so, ang food nia ay after 2 hours ng milk. para hindi sia busog kapag binigyan namin ng food or milk. nagkaka igi sa baby namin ung ganung schedule.

Magbasa pa