Suggest nman po pang dagdag ng breastmilk

Ano po laya mganda pang palakas ng gatas.. Kakaanak ko lng po nung may 22..parang humihina na po kasi gatas ko

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

wag pong isipin na humihina. mind over matter lang din kasi ang pagpapasuso. avoid mo rin ang stress masyado hanggat maaari, drink lots of fluids, take some rest kung kayang makanakaw ng pahinga habang nagaalaga kay baby, and palatch mo lang lagi. kung pumping ka, do it consistently. also, eat healthy. if may budget, you may take some supplements, capsules, tea, cookies, spread. ikaw bahala if ano okay sayo. based sa experience ko, going 4months ebf kami ni baby, still tumutulo pa rin yung milk ko from both breasts. 2-3L of water ako per day, as in laging may tumbler ng tubig kung san ako magpunta.. i pumped 2-3x a day lang- madaling araw (between 2-5am yan ang time na mataas ang prolactin sa katawan, at 6pm after maligo- for stash ko lang para pag aalis ako at pagpapasok na sa work- then unli latch na kay baby. sa umaga, umiinom ako ng warm m2 with kalamansi or hinahalo ko sa oats with milk. sa gabi im taking morlactan capsule. pag maliligo ako, i use warm water from the shower po (if may heater) then massage lang ang breasts. tapos laging iniisip ko lang, "marami akong milk, kakayanin kong padedehin si baby" paulit ulit yan sa isip ko. mantra ba. i think effective naman kasi si baby mag 7kg na at 14weeks old. kaya mo yan. wag na wag kang panghihinaan ng loob 😃💪

Magbasa pa