Breech presentation/Low lying placenta

Ano po kaya pwede gawin bukod sa maglakad and kausapin si baby para umikot sya? Sabe po ni ob kase dahil low lying placenta ko nasa baba po nakaharang sa labasan nya… baka daw po ma cs ako pag di pa sya umikot.. tapos breech position pa daw po sya so suhi po. 2nd ultrasound ko po yan. Nung una ko po ultrasound 4months mahigit po ata ako non breech position po pero high lying naman po. Ano po kaya pwede ko pa pong gawin? Delikado po kase cs anemic pa po ako:(( #firstTime_mom #suhi #First_Baby #6monspreggy

3 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

same here. findinga po saken is breech sya and placenta previa. as in nakaharang sa cervix ung inunan. as of now na 26 weeks na ko, umikot na si baby pero ung inunan, di nabago ng pwesto😔. kinakabahan na din ako. waiting na nag 32 weeks para sa doppler scan para sa inunan. sana nasa baba lang sya at di nakadikit sa matres.

Magbasa pa

Di ko alam pero nung 5 month ultrasound ko low lying din me tsaka naka-breech si baby. Lagi ko kinakausap si baby kapag gabi tapos before mag-sleep nagpapatugtog ako white noise na sound. Bumili ako ng speaker na may nakalagay ng sounds for babies sa orange app. Ngayon 7th month okay na placenta ko and cephalic na siya.

Magbasa pa

Nagpapatugtog lang ako mii namili ako owl na speaker, may mga sounds dun for baby. Sa puson ko nilalagay ang speaker para sundan niya yung sound. Last ultrasound ko ay nakapwesto na sya.