SUGAR LEVEL
ano po kaya mainam gawin, 195 po ang Sugar ko ang normal lang daw is 120 . Pano po mag pababa ng sugar ? 🥹

110-180 sugar ko before pag gising pa lang. Pinag insulin na ako since masama sya sa baby at mommy, madaming pwedeng mangyare at complications pag d na control. Natakot ako kaya nag insulin talaga ako, 14weeks pa lang ako nun. 16units sa umaga, 10 units sa gabi. Then, trial and error sa kinakaen, monitor before almusal at 2hrs after meals. Nabawasan naman, morning ko naging 100-130, pero d pa din pasok sa normal range. after meals ko 80% controlled na. Tinaasan sa gabi, 12 units. same pa din morning ko, d ko ma reach yung below 95. Pinapagalitan na ko ng OB, d ko naman alam gagawin ko. After dinner ko ok naman range ng sugar, natulog lang ako, pag gising ko wala na naman sa range 😔 nakaka frustrate. Buti mabait ENDO, pinapagaan loob ko, kelangan daw kasi timplahin ang gamot para balance. Since control ko naman after meals ko, binawasan sa umaga, 14 na lang. Dinagdagan ulet sa gabi para pag gising ma mababa na. 14 units na din. Bale 14-14. Sa awa ng diyos, na reach ko na ung below 95 sa morning, mga 90%. at 90% din reach ko na after meals. Nahiyang saken ang low carb, pero sa lunch nag kakanin ako, 1/3cup lang. More on gulay, eggs at sabaw sabaw talaga para mabusog agad.
Magbasa pa