ano po kaya ito?
ano po kaya ito at remedy madami kasi sa mukha ng baby ko 😭😭 #1stimemom #firstbaby #rashes?
May ganyan si baby pag labas, nawala din naman. Ni-wash namin ng mustela sensitive then pahid ng mustela cream after.
Normal po. avoid mag kiss kay baby especially kapag may balbas yung hahalik. tapos dampian niyo po ng breastmilk 😊
try nyo po milk nyo mommy . use cotton and apply nyo po sa face ni baby . do it every morning before maligo si bb
mild soap lng po dapat gamit kay baby. Sa pagligo and pang baby din po sana na detergent gamit sa damit bi baby
Baby acne. Normal po sa new born. Kusa din po mawawala. Linisin nyo lang lagi ng cotton with water. Pat pat lang po.
Kung nabebreastfeed ka po. Kuha ka po cotton then ung milk mo po pde mo po ipunas gently sa mukha nya.
base sa na experience ko, lahat Po Ng baby magkakaroon Ng ganyan, DNT worry ma'am. it's normal ☺️
Normal for a newborn. Mawawala din yan mommy. Everyday bath. Wag niyo po galawin, hayaan niyo lang.
Sakin po breastmilk lang ang pinahid ko sa panganay ko dati.. Nagkaron din kasi sya nyan sa noo..
Nag karoon din po baby ko nyan Lactacyd po ginamit ko na sabon nya ayun nawala po momsh