Iyak ng Iyak si baby

Ano po kaya ang nararamdaman ni baby, busog naman po at napalitan na ang diaper pero iyak padin ng iyak. Namumula na sa kakaiyak, nakakautot naman at nakakaburp, nakaka popo din siya. Alternate ko yung gatas niya na S26 and Enfamil Lactose Free, kasi basa ang poop niya sa s26 tapos sabi ng pedia mag enfamil but i.alternate nalang if tumigas din ang poop. Pagkinakarga tumatahan minsan magalaw siya masyado na di mo alam anong pwesto ng pagkarga gusto niya. Pag nilalapag iiyak na naman siya. CS ako nung nanganak at sobrang emotional ko after ko ma operahan, ang bilis ko umiyak, magworry sa baby ko or sa kahit anong bagay. Di ko mapigilang humagul2 sa iyak. Ang hirap lalo nat ako lang din mag isa buong araw nag.aalaga kay baby dahil nasa work si husband. Nararamdaman kopang sumasakit ang sugat ko sa operasyon lalo na kung matagal akong nakakarga kay baby. Yung likod ko din bilis sumakit pag yumuko ako.#advicepls #pleasehelp #firsttime_mommy #firstbaby

4 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Ganyan din baby ko mommy 19days old palang sya iyak sya ng iyak kahit busog nmn walang poop at di nmn kinakabag ang nanonotice ko po tuwing ganun sya is inaantok lang po talaga sya at di nya po makuha yung tulog nya kaya kahit karga mo na o kahit ano hele mo umiiyak pa din tyaga lang po sa paghele at pagpapatulog kay baby mommy makakatulog din po sya. Ngayon gabe gabe din akong puyat dahil gising sya palage tuwing 11 o12am tas mga 6am na sya matutulog at kahit nmn po saming mga normal delivery ay sumaskit din ang likod dahil sa ngalay sa pagkarga paghele at pagpapdede kay baby pero tiis lang po magbabago din po routine nila pagtagal...

Magbasa pa

Ilang weeks na po ba si baby? Baka po growth spurt, it can happen anytime between 7th day to 6th week ng newborn. During this time mas irritable si LO and hindi mo talaga maintindihan kung anong need and want niya. Pupwede din naman iyak siya ng iyak gawa ng colic. Best to consult your baby's pedia pa din to rule out any illness na pwedeng reason ng pag iyak niya.

Magbasa pa

check nio po if matigas tyan may hangin pa. si baby ko po napapadalas ang pag tigas ng tyan kaya nilalagyan ko oil ang paa (vco). try nio po padapain sya sa tyan mo mii or dibdib para makalma sya. wear ka din po binder para maprotektahan po ung tahi mo mii

VIP Member

ganyan po talaga pag newborn pa naninibago po sa environment magbabago po routine nyan kada buwan tiis lang po