Nakagat ng pusa ang lo ko

Ano po ang dapat kong gawin? Nakagat po ng pusa ang baby ko. Nagsearch po ako ng mga articles sa fb / google about sa cat na may rabis pero ni isa po dun walang nagpapakitang may ganing sintomas ang alaga kong pusa even that she has no vaccine ever since... Pero nagwowory po ako actually nakagat yung baby ko nung april26 up till now d ko pa siya napapabakina sabi kc ng kapit bahyay namin obserbahan ko muna yung pusa and after a week wala naman nangyari sa pusa like namatay daw.. ala daw nakuhang rabis si lo pero once na namatay yung pusa within that week or b4 mag isang linggo ehh pabakuna ko na si lo. 4 days na after nakagat si lo la pa rin nangyayaring d maganda sa lo ko. But still, nag aalala pa rin ako. Anyway first aid ko sa bb ko.. hinugasan ko kaagad yung kagat ng pusa then nilagyan ko ng bawang yun kasi turo sakin ng naging amo kong chief doctor kasi nakagat ako ng aso nila pero may vaccine yun. Pero syempre iba n ata kapag pusa tas alang vaccine.. please help me po kung ano po dapat kong gawin

Nakagat ng pusa ang lo ko
44 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Mi sa ganitong situation, diretso po kaagad sa pinaka malapit na health center or hospital. Wag po maging dependent sa nababasa natin sa Internet.

mas unahin sana si baby kesa i-observe un pusa. dalhin na si baby kahit sa clinic/hospital para ma-assess and mabigyan ng vaccine.

VIP Member

better po na ipa anti rabies vaccine mo po c LO mo or if nag aalangan ka po better to go to the pedia and ask if ano dapat gawin.

Hello mag punta po sa bite center agad wag pong pababayaan kahit po na scratch lang mabuti ng sigurado kaysa sa magsisi sa huli

ano ba mag pa injection na kayo dalhin nyo sa ospital yung bata nyo wag nyo na antayin na matakot sa tubig ang bata jusko.

Wala pong lunas ang rabies kapag nakarating na sa utak. Kaya inaagapan po yan, walang ibang dapat hintayin.

momshie it's better to be safe than sorry, pabakunahan niyo po si LO kahit walang symptoms para makampante ka 😊

Anti rabies, anong klaseng nanay aantayin pa ang ano? Tapos iiyak iyak? Gracious, ang peta kikitain mo pa yan!!!

VIP Member

Pabakunahan nyo na po.. Ako nakalmot ng pusa nagpabakuna kagad.. Mahirap na nasa huli ang pagsisisi.

VIP Member

pa vaccine mo si baby mo. wala naman side effect yun. may rabies o wala. mas maganda ng safe😊