SANA MAY MAKAPANSIN

Ang hirap pala nuh? Mahirap pag wala kang maasahan kahit pa nanay mo. Nakakainggit yung iba na andyan yung mga magulang nila o nanay nila na nakakatulong mo sa pag aalaga sa sanggol. Ako kasi wala. Literal na nag iisa ako. 1 month pa lang si baby pero ramdam na ramdam ko na wala ako pahinga. Wala ako kahalili. Biyenan ko may trabaho. Asawa ko pang gabe sa trabaho. Sa umaga ako lahat. alaga kay baby Linis bahay Luto Ang ending imbis na kumain ako itinutulog ko na lang kasi puyat ako. Kumakain ako 4pm na pagkagising ng asawa ko kasi wala din ako kahalili kay baby. Hindi kami makakuha kasambahay kasi nakikitira lang kami. Ano kaya pakiramdam na may nanay na andyan para samahan ka.

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

same po, magulang ko nasa probinsya na lumipat actually sinama na ako dun bumalik lang ako dito. andito mga kapatid ko pero watak-watak kame. sa side naman ng asawa ko yung mama nya OFW mga kapatid naman nagwowork at aral pa kaya wala mapag-iwanan gusto ko na magwork 🥲

2y ago

masakit tanggihan sarili mong nanay para tulungan ka mag alaga sa anak mo. ganon siguro tlaga pag d paborito. siguro din kasi pasaway ako dati. im looking at the brighter side kahit wala ako makita. hehehe. baka lalo humina gatas ko kasi nastress ako.

Relate much, 2 weeks pa lang baby ko kaya hirap din ako lalo na sa gabe sobrang iyakin pa yong tipong pati ako naiyak narin kasi diko alam gagawin wala akong mapagtanungan.

2y ago

momsh oo nga. kaya nga siguro oonti supply ko ng milk kasi stress din ako e.