Struggles of Soon To Be Single Mom

Ang hirap magdalang tao ng walang katuwang lalo kung nakikisama ka lang kahit sa mismong pamilya mo. Mula ng talikuran kami ng ama ng anak ko, more than 3 months ago, hindi na tumigil ung mata ko sa pagluha. Mapaumaga, gabi, madaling araw o tanghaling tapat. Kung kelan mas lalo kong tinitibayan ung loob ko, mas lalong dumadami ung mga nagddown sakin. Pilit ko namang iniiwasan. Pero sila ung lumalapit e. Nanahimik na nga lang ako. Pag sumosobra na ung bigat ng loob ko alam ko may mga kaibigan ako, bilang man, hindi naman sa lahat ng oras mapaglalabasan mo sila ng sama ng loob. Hindi ko nga alam kubg pano pa ko nakakatawa minsan. Pakiramdam ko instead na bundle of joy ung pinagbubuntis ko, bundle of stress na. Naaawa ko ng sobra sa anak ko. At sobrang proud ko sa tatag nya sa loob. Kahit na sobrang stress ung buong pagbubuntis ko, malakas pa din syang gumalaw. Ang hirap din talaga ng walang nag aalaga sayo. Alam kasi nila kaya mo naman e. Tsaka kasalanan mo yan. Di mo inensure ung nakabuntis sayo. Pumasok ka sa ganyan ng di nakatapos at walang trabaho. Sobrang nalulungkot ako sa mga nakapaligid sakin. Mula ng araw na narinig kong mawawalan ng ama ung anak ko, hinanda ko ung sarili ko sa ibat ibang bagay na kakaharapin ko araw araw. At hindi talaga sya madali. Sobrang bumaba ung self esteem ko sa sarili. Idagdag mo pa ung mga kwento ng kwento sayo kung gano sila kaswerte sa pagbubuntis nila. Wala naman talaga kong pake pero sana wag na lang nila iparinig sayo dahil alam naman nila pinagdaraanan mo. Nakakasama talaga ng loob. Isa lang yan sa mga nakakapag padown sakin. Palagi akong nagdarasal kay lord na tanggalin nya ung galit sa puso ko na nararamdaman ko para sa mga taong nakakagawa ng kasalanan sakin. Lagapak na kasi ako sa lupa. Hindi ko na kayang dalin pa ung burden ng galit. ? nagvvent out lang naman ako. Nagsasawa na din kasi akong ichat ung sarili ko e. ?

73 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Be strong and pray mommy! Jesus is always with you 🙏🙏🙏

Pray ka lang mommy, everything will be okay!

I feel u mommy paka tatag ka p😭

Kkyanin ntin to mommy pra ky baby

Isipin mo na lang si baby mo.

Keep on praying kay God momi

Nangyari na din to sakin 16 yrs old ako . Halos mamatay ako sa sakit ng loob pero nagpakatatag ako. Ang mind set ko malalagpasan ko to. Babagon ako at dudurugin Kita ang peg hahahaha. ngayon 11 yrs old na anak ko super mapagmahal at maalaga pa siya sakin . Nakahanap na ako Ng forever . Blessing pa na iniwan ako Ng hinayupak Kong ex bf nagtapos pa ako ng pagaaral after 5 yrs. KAYA MO YAN DI PA ITO ANG KATAPUSAN NG LABAN MO.

Magbasa pa
5y ago

Naka katuwa naman to. ❤️❤️❤️ Happy for you mamshie!!

Prayers lang momsh

VIP Member

Pray ka lang.

VIP Member

Be strong