Hi mga momshie, meron ba kayong banlag na baby at kung na correct po ba ito? Pls i need advice

Ang baby ko kasi 1½month na, yung mga mata nya hindi sila pareho ng galaw, yung right side nya maayos naman pero yung left side ng mata nya hindi masyadong gumagalaw ung eyeball or parang hindi active. Kaya kung titingnan sya minsan para syang duling or banlag. Meron po ba dito same situation ng baby ko, at kung naayos ba ang mata ng baby nyo? Pls help, thank you po. #worriedMommy #banlag #adviceplease

6 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ganyan po pamangkin ko nung baby pa sya lalo na pag nanunuod ng TV. Kaya tuwing nakikita po namin sya na mukhang banlag lagi po namin hinahawakan mata nya para mapapikit sya at bumalik sa date mata nya😅 ngayon 10yrs old na po sya hindi naman po sya naging banlag or what

obserbahan mo po yung mata , sign po kasi yan na baka may cataract si baby . yung anak ko kasi 4 y.o nalaman namin may cataract , unang tanong sakin ng doktor kung nung baby pa daw madalas maduling or mabanlag sya . hindi namin agad nakita kasi maliit pa yung cataract

pacheck up sa pedia at opta habang baby para macorrect agad. Iwasan din yung masyadong liwanag na nakatutok sa mata ng baby like cellphone at ilaw kasi dun nawawala yung focus ng mata nila

mommy try niyo po ipikit pikit lagi mata ni baby pag nagduduling siya or parang banlag para po di magtuloy tuloy pagiging banlag niya

1y ago

ganyan din po baby ko parang banlag lalo na nung newborn stage kaya pinipikit pikit ko lagi hinihimas ko mata niya papikit para di masanay. okay naman na po siya ngayon, going 7 months na and hindi po naduling or nabanlag. if ganun parin and super nakakabother na go to pedia na po

ganyan din si baby ko nung newborn sha. pero nawala din naman. pinapapikit kolang din. 6months narin sha ngayon. maayos naman.

maganda mhie pacheck up nalang si baby sa pedia po