2 Replies

VIP Member

Hello. Sa anak ko naglulungad siya hanggang 6 months old. Huwag niyo po patulugin si baby na may mataas na unan, delikado rin yun dahil maiipit yung airway nila. Mas maganda kung walang unan or blanket sa higaan ni baby. Kapag po lumalabas sa ilong ang lungad ibig sabihin po nun na-overfeed na si baby. Iwasan po maoverfeed si baby, maliit lang pi ang tyan nila, kapag puno na ang tyan nila ang pupuntahan na ng milk ay baga, malulunod sila sa milk delikado po yun dahil may namamatay sa lunod cause ng overfeeding.

May phase po ang baby na hindi natutulog whether sa umaga or mostly sa gabi at ang ginagawa lang nila is umiyak ng umiyak ng umiyak. Need mo po i-observe, hindi kasi porket umiyak gutom na. Strictly every two hours interval ang pag breastfeeding. Para may time nag digest. Example gumising siya dumede ng matagal, tapos bumitaw, after a while umiyak ulit, like sabi mo kadede lang nag show ng signs of hunger, wag padedehen. Karga lang po, find other ways to comfort your crying baby, like pacifier or source of entertainment etc. I suggest rin mag introduce ng concept ng night and day para maiwasan or mapaikli witching hours phase nila.

naka formula ba si baby? if yes, baka di sya hiyang sa milk kaya lungad ng lungad. or di kaya na ooverfeed mo sya mi. naka formula si LO ko kaka 2 months lang nya 4 oz. pinapainom ko every 3-4hrs.

Trending na Tanong

Related Articles