Help! Iyak nang iyak si baby!
5 weeks na si baby ko, every hour lagi siyang nagigising. Puro Siya iyak. Gusto nya rin laging magpabuhat. Pag ibaba namin Siya, minuto lang, iiyak ulit ππ Stress na stress na ako. Di ko na alam gagawin ko. Any tips mga mamsh? # First time mom here ππ
Same here. 4 weeks olds Normal lang po ata lalo na kung breastfeeding. Halos every hour gusto nila dedede. Oo nakaka stress sobra lalo na sa madaling araw na antok na antok ka pa. Pero sabi nga nila, lilipas din yan. Sabi nila around 3 months daw mejo aalwan na tayo mii. Check mo din lagi ang tiyan. Prone din sila sa kabag. Also diaper if may pooops. Newborn lagi nag popoops π pakatatag tayo mii ππ
Magbasa pa5 weeks is newborn palang, ganyan talaga pag newborn, sobrang demanding talaga nila, need mo tyagain naninibago pa kase si baby syempre wala pa sila masyado nakikita blurry pa paningin nila, wala pa sila pinag kakalibangan, pero promise sa una lang po yan, pag patak niya ng siguro mga 3 months magbabago na si baby hindi na yan iyakin hahaba nadin tulog nila
Magbasa papalaging mo bigyan ng warmth comfort si baby. iwasan ng e sayaw ng e sayaw si baby.lalo na kung ma e shake or maalog ang yung ulo. hndi pwede ma along ang ulo ng new born.. pasensya at tiyaga lang Mommy. lahat ng new born ay ganyan. back every 30mins o 1hr gutom na sya. lagyan manzanilla tiyan para iwas kabag.
Magbasa pamay ganyang phase po talaga ata sila, kung clingy si baby try nyong matulog ng nakadikit siya sa inyo.. usually kasi nag hahanap talaga sila ng comfort sa warmth ng body natin.. and try nyo mag karon ng routine.. para medyo alam ni baby kung kailan siya matutulog.. it will get better mamsh.. kaya mo yan π
Magbasa paganyan din baby ko nong bago pa lang , hinde aman siya talagang naiyak na parang may masakit sa kanya. baka po kinakabagan siya sis try mo imassage yung tyan niya search niyo po sa youtube massage for colic baby, lagi niyo po siya papadighayin din after fed.
check mo po tyan nya .. if iyak ng iyak baka kinabagan na dn po sya.. check bka my discomfort sa higaan or diaper rush check mo po leeg at bka natutuluan ng gatas at ng rushes.. then if malamig namn sa tingin mo at naiyak sya swaddle mo po..
ganyan din baby ko mag 3weeks palang sa Saturday...nilalagyan ko lang ng Manzanilla Tummy nya then massage counter clockwise...tapos check din palagi diaper kung may poop or madami ng WiWi... natahimik nmn na sya..
Ganyan din po baby ko dati iyak ng iyak pero nung lumipat kami ng bahay nakakatulog na sya ng maayos, check nyo po environment nyo baka naiinitan si bby, or try nyo po e-duyan.
ganyan din po baby kosa gabi mag one month plng po sya kaya puyat po tlga lagi pag gabi pero pag araw nmn po di nmn po sya nagpapakalong
Try nyo po ipacifier si baby. Baka sakaling kumalma. Yung first baby ko hindi iyakin at hndi din namin sinanay sa karga at sayaw2.