Worried Mom

Hello 4months na po baby ko pero hindi ko pa sya nakikitaan ng interest mag roll over or kahit tumagilid. lagi lang syang nagpapa karga, dede at tulog. Tho may murmur sya since 3 months should i be worried na po ba or ganun po talaga ? 2 weeks old palang po sya nag tutummy time na po sya at kaya nya na po itaas ulo nya at kaya nya na po leeg nya. #firsttimemom #advicepls any advice para po ma in courage ko po sya mag play at mag roll over ( mahelp ko sya mag roll over ) or hayaan ko lang po ? #advicepls #firsttimemom

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

hindi pare-pareho ang milestone ng bata. 1st born ko, 3months nakadapa na. 2nd born ko, 5-6months. pero pareho silang nakakalakad before mag 1yo. dinadapa ko si 2nd born ko sa kama ng ilang minuto lang kasi nakasubsob ang mukha nia. at 5months, gusto na niang magroll-over kaso hindi sia makadapa dahil nahihirapan pa sia. kaya tinutulungan ko siang dumapa. nung kaya na niang dumapa, nakasubsob pa rin. nilagyan namin ng toys sa harap nia. ilang araw lang, naka-angat na ang ulo nia.

Magbasa pa