Kailangan ba ng referral kung sa ospar 2 ko balak manganak?

40 weeks na po ako at may check up sa center at sa lying in din na malapit samin. Kaya lang po parang need daw nila ako irefer sa ospital kasi 3.9 na po ang timbang ng baby ko ayon sa ultrasound. Pangatlong baby ko na po to at yung pangalawang baby ko is 3.9 din ang weight. Wala naman po problema sa laboratories at ultrasound ko. Nag aalala na po kasi may lumabas na pong mucus plug sa akin. Friday pa ako pinapabalik ng OB ko sa lying in. Balak ko po sana pumunta sa ospar bukas, may check up po kaya sila para sa buntis? SALAMAT PO SA SASAGOT.

 profile icon
Magsulat ng reply
Maging una na mag-reply