@39 weeks pregnant

39 weeks na po ako umiinom na po ako ng primrose 2x sa umaga,tanghali at gabi close pa din po ang cervix ko at wala pa pong lumalabas ng mucus plug . Ano pong pwedeng gawin para mabilis po mag open ang cervix bukod sa lakad lakad and akyat baba sa hagdanan? And any tips po para bumaba na po yung tyan medyo mataas pa daw po kasi. Salamat po in advance

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

kusang bababa yan sis... si baby ang driver, sya nag masusunod kung gusto nya bumaba or hindi.. kaya magwait talaga. lalo kung nagawa mo na pati pagsasalpak ng primrose sa vagina mo, naglakad, squat. sakin wala akong ginawa halos. sa last check up ko 2weeks ago (37weeks 5days ako nun), mataas pa tyan ko sabi ni ob, closed cervix pa. lagi lang akong tulog, kasi sobrang antukin ko. kinakausap ko lang si baby ko, wala ring pinainom or pinapasak na primrose sakin si ob. regular na gawaing bahay lang like luto, hugas ng pinggan yun lang ginagawa ko everyday since nag 36weeks ako (dahil bedrest ako from 28-36weeks.) then pagbalik ko after a week (38weeks 5days) ang baba na ni baby ramdam ko na yung bumubunggo sya sa baba pag naglalakad ako and 2-3cm na upon IE and nikabasan na rin ako ng mucus plug waiting na lang ng regular hilab, kasi as of now, humihilab lang pero di pa tumitindi.. i think wait lang sa right time po ni baby, sya magsisignal sa body mo if ready to go out na sya talaga. pray lang at kausapin mo lang din si baby. wag magpagod kasi pag edd na at wala pa rin, baka induced labor po ang gawin at mas masakit yun so need mo ng mas maraming lakas.

Magbasa pa
1y ago

thank you po πŸ’—

Related Articles