Question lang po
At 36 weeks and 1 day po, masakit po yong pwerta ko pag mag lalakad. Parang may tumotusok po sa ilalim, wala naman pong discharge or kahit ano. Ano po meaning nito? #firsttimemom
same po tayo mi ganyan din saakin lalo kapag mag lalakad o kikilos bigla may parang tutusok sa bandang pwerta tas akala mo maiihi ka at pipigilan mo pa 36w&1d nadin ako ngayon.
lightning crotch po tawag niyan normal lang po kasi engaging na si baby sa cervix. Kapag head down na talaga yan po isa sa experience.. at masakit nga siya hehe
yes sis gnyn din skn sis 34.5wks naq pero nagopen na ung cervix ko kaya nagiingat ako. Pagnaglalakad parang may tumutusok and naggaground na sa my likod ko.
mababa na kc c baby kaya ramdam na naten na minsan kala mo malalaglag na cia. 😊 nagreready na cia lumabas kaya. relax lang as much as possible.
Ganyan po naranasan ko kahapon😅 35 weeks and 5 days na ako ngayon. Ang sakit nya tapos parang may lalabas. dahan dahan tuloy ako maglakad.
Same here 36 weeks..msakit sa may muscle ng pwerta sa ibaba ng puson kpag babangon or mglalakad..normal lmg dw sabi ni ob
Same 34 weeks palang ako sobrang sakit na nya. Una ko syang naramdaman around 29 weeks kaya pinag take ako ng pampakapit
parehas po ang saket sa buto ng pwerta tapos heartburn pa hirap huminga 😟
same tau mii, currently 37weeks and 1day 😊