Nakitang cyst nung nag pa ultrasound ako

2 months pregnant po ako and I'm only 20 years old. Then nag pa ultrasound po ako tapos may nakitang cyst tinanong nila ako if matagal na yung cyst na yun sabi ko po ngayon ko lang nalaman na may cyst ako and naisip ko bigla nung dalaga pa kasi ako way back 2020 to 2022 pag nireregla ako sobrang sakit my dysmenorrhoea ako as in sobrang sakit halos mahimatay na ako sa sakit tapos nag susuka ako nag lbm diko ma explain yung nararamdaman ko tuwing unang araw ng regla ko hanggang pangatlong araw tapos yung nalabas pa sakin minsan parang laman buong dugo pero maliliit lang naman. Ngayon po hindi ko alam ano yung gagawin ko sana po may makuha akong advice sa inyo. Gusto ko lang din po malaman kung mawawala paba tong bukol na to at may magiging epekto ba yun sa baby ko? Natatakot po kasi talaga ako

5 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Dipende kase yan kung gano kalaki or kaliit. Usually pag maliit lang di sya gagalawin lalo kung buntis ka kase pwede maapektuhan si Baby pag ginalaw yan. Mas maganda kung OB ang mag-explain sayo sis. Sila mas nakakaalam kung ano pwede gawin dyan.