2 Replies

Sinabihan po ba kayo na underweight sya? Kasi pag hindi naman, wag ka po mag alala may mga baby talaga na malalaki, yung iba mapapayat kahit na breastfeed, kung nag ga-gain naman po ng weight ang baby mo na angkop para sa laki at edad nya then don't panic..tsaka my, 2 months pa baby mo if breastfeed no need vitamins kasi sobrang sustansya na ng gatas natin, and isa pa kailangan prescribed ng doc kasi 2 months pa po baby mo, mas advisable kasi na 6 months onward pa pwede magpa inom ng vitamins, too early pa po ngayon unless recommended ng pedia mommy.

Yung weight po ba niya ay mababa sa expected weight? Ano po ang sabi ng pedia? Kung payat po sa tingin pero tama ang timbang, most probably ay ok lang. Pero kung underweight dun po kayo siguro bibigyan ng something ng doctor. Sa breastfed babies po usually hindi po binibigyan pa ng vitamins ng mga pedia. Pero patingin din po kayo sa doctor ng baby niyo para makasiguro kung need na ba niya.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles