Naguguluhan na po ako!!!

19 weeks na po SANA si baby at kahapon yung 3rd check up ko kay ob. Then nagpa ultrasound din ako na advise nya for gender. Na release yung result namin nabasa ko fetal death wala pa ko kay doc umiiyak na ko kasi iba na yung pakiramdam ko lalo na nung tinawag na nya ako at sinabing "anong nangyare ang lakas pa ng heartbeat nya last check up natin? Nag spotting kba or pag sakit ng puson sabi ko wala. May nagkasakit ba daw sa mga kasama ko sabi ko wala. Naubusan na din daw ako ng tubig kaya nawala na si baby at base sa ultrasound e 17 weeks and 4 days wala na si baby at wala akong kahit anong kakaibang naramdaman!! ?? Kaya ang akala ko din po e okay na okay si baby sa loob ng tyan ko. Tapos un ang malalaman namin ????? Kahapon po binigyan na din kami ng gamot para magbuka daw at lumabas si baby. Mag intay nalang daw ako na duguin ako at saka ako iaadmit. Sa hindi na ako mapalagay at hinang hina na hindi na alam ang gagawin. Nagsuggest yung MIL ko na magpaultrasound daw ulit baka nagkakamali lang. Kaya lang dun sa ultrasound. Wala na din daw talagang heartbeat si baby ?? This morning tumawag si MIL ang dami daw nagsasabi sa kanya na wag muna inumin ang gamot baka daw miracle baby. Kasi wala daw akong nararamdaman na kahit ano. Kaya lang naubusan na ng tubig. Hindi ko na po alam kung anong gagawin ko ?????? Wala po si partner nasa barko at nagbabalak na din umuwi ?

36 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Condolence po

Wait for it.

😓💔

Na cs na po ako kahapon(Sept. 30) para matanggal si baby sa tiyan ko. Thank you sa inyo mga mommy❤❤ Angelico(Angel ko) Nathaniel po ang name na binigay namin kay baby.

5y ago

Kasi po nag aalala na po lahat kasi daw po baka ako naman ang magka infection e yung partner ko po ay nasa abroad ay sobrang isip din kaya po pina cs na ako para makasure na na walang infection kasi if iintayin po na manormal at duguin e minsan daw inaabot ng 3 weeks. Ay nag aalala na po kasi. Kaya na cs na po ako

Sabe ng matatanda..inaswang daw pag ganyan

Pakatatag ka po mamsh.. Nkktkot po lalu n at 20 weeks pa lang po tyan ko di tlga maiwasan na di mangamba sa klagayan ng baby ntin s loob ng tyan huhu