Naguguluhan na po ako!!!

19 weeks na po SANA si baby at kahapon yung 3rd check up ko kay ob. Then nagpa ultrasound din ako na advise nya for gender. Na release yung result namin nabasa ko fetal death wala pa ko kay doc umiiyak na ko kasi iba na yung pakiramdam ko lalo na nung tinawag na nya ako at sinabing "anong nangyare ang lakas pa ng heartbeat nya last check up natin? Nag spotting kba or pag sakit ng puson sabi ko wala. May nagkasakit ba daw sa mga kasama ko sabi ko wala. Naubusan na din daw ako ng tubig kaya nawala na si baby at base sa ultrasound e 17 weeks and 4 days wala na si baby at wala akong kahit anong kakaibang naramdaman!! ?? Kaya ang akala ko din po e okay na okay si baby sa loob ng tyan ko. Tapos un ang malalaman namin ????? Kahapon po binigyan na din kami ng gamot para magbuka daw at lumabas si baby. Mag intay nalang daw ako na duguin ako at saka ako iaadmit. Sa hindi na ako mapalagay at hinang hina na hindi na alam ang gagawin. Nagsuggest yung MIL ko na magpaultrasound daw ulit baka nagkakamali lang. Kaya lang dun sa ultrasound. Wala na din daw talagang heartbeat si baby ?? This morning tumawag si MIL ang dami daw nagsasabi sa kanya na wag muna inumin ang gamot baka daw miracle baby. Kasi wala daw akong nararamdaman na kahit ano. Kaya lang naubusan na ng tubig. Hindi ko na po alam kung anong gagawin ko ?????? Wala po si partner nasa barko at nagbabalak na din umuwi ?

36 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hala, nakakatakot naman. Nag babanat pa naman din ako ng buto kahit 27weeks nako. Di mona siya nararamdaman last time bago ka mag pa check up?

Hug! May reason si Lord kung bakit po yan nangyari. Pakatatag ka po, bata ka pa naman yata magkakaanak ka pa. Stay strong!

5y ago

Thank you po

VIP Member

Comfortttt! Pakatatag ka sis. Kaya mo yan. May uti ka po ba? Baka naging cause dn kasi un.

Stay strong mommy. 😞 Sana may heartbeat pa si baby next UTZ mo.

Pakatatag ka, mommy. God has a better plan. Magtiwala ka lang 🙏

Condolence po .. stay strong and keep on praying 🙏🙏🙏

patatag lng mamsh,,and keep on praying,, god is listening,,,

VIP Member

Condolence mommy. Im sorry you have to go through this

VIP Member

condolence mommy , kya mo yan my laan c lord pra tlga sayo

VIP Member

Prayers for you mommy pakatatag kapo ❤️