Late/Delay Milestone :( Long post

14 months na po ang baby ko, Pero hindi ko pa sya nakikitaan ng pag tayo sa crib at hindi pa sya marunong umupo ng sarili at pag tayo. Lagi lang sya nakahiga at roll over. Pag karga lang namin sya nakaka tayo tapos matutumba na agad pag binitawan. :( Lahat ginawa ko na pampatibay ng buto at pinalitan ng vitamins. Sabi ng pedia hintayin daw namin mag 18months pero feeling ko walang usad ang baby ko. Ang milestone palang nya ay Roll over at pag gapang ng nakadapa nakakapag salita nadin sya ng Mama Dada. Madaldal naman sya. Pero pag tayo talaga ang concern ko. Balak Ulit namin sya ipa check up ;( Ano pa kayang pwede kong gawin mga mommy :( #milestone #delaydevelopment

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

try paupuin si baby sa inflatable. lagyan ng back support like unan dahil mejo malalim since hindi pa sia nakakaupo ng kanya. try na lagyan ng favorite toy sa harap nia kapag nakadapa para matutong gumapang ng mas mabilis, mag abot ng gamit. continue palakarin si baby with support. kapag marunong na siang umupo ng mag-isa, tsaka lang pwede gamitan ng walker. others may not recommend the walker, pero both my 2 kids mabilis nakalakad due to walker. continue giving vitamins, milk, food, water for proper nutrition.

Magbasa pa
6mo ago

Salamat po, Mabilis po syang gumapang kaya lang indi po sya nakakaupo mag isa. Bumili kami ng walker, nakakalakad sya paunti unti, Pero ang palagi nyang ginagawa iniislide nya lang yung paa nya para makaalis sa pwesto or may hahabulin then natuon sya sa walker para makatayo ng diretso mga tuhod nya, tapos babagsak nalang sya bigla pag gusto nya.