#ProjectSidekicks: The Importance of Counting Kicks

This coming August 18, magkakaroon ang theAsianparent ng webinar para sa mga buntis tungkol sa kahalagahan ng pagbilang ng mga sipa at galaw ni baby sa loob ng tummy ni mommy. Hosted by Teacher Iam Serrano, makakapanayam natin sina Dr. Kristen Cruz-Canlas at Dr. Jennifer Rose Francisco, mga OB-GYN. May tanong para sa mga OB natin? POST YOUR QUESTIONS NOW! Pipili kami ng mga tanong dito sa app at sasagutin ng mga doctors natin during the Facebook Live webinar. WHEN: August 18, 7pm WHERE: The Asian Parent PH Facebook page https://www.facebook.com/theasianparentph Kitakits, mommies!

#ProjectSidekicks: The Importance of Counting Kicks
61 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

24 weeks preg po ako, normal lang po ba na may dark color minsan sa discharges ko po like dull brown or sometimes dull yellow and may odor po. Affected po ba ang baby ko incase kung masama at di normal sa buntis? Naninigas din po minsan ang tyan ko sa part malapit sa pusod ko.

5y ago

Pacheck Up ka na po sa OB pag ganyan lalo pag may mga nararamdaman na hindi komportable

I gave birth last May 2020 via ecs po. Ask ko lng sana kung bakit feeling ko mabigat parin ang tyan ko minsan? Hindi po kaya epekto ito ng tahi ko o dahil po sa malambot at medyo saggy kong tyan? Ano kaya pwede kong gawin? Maraming salamat po! More powers! ❤

VIP Member

Hello po FirstTimeMom poko 26 weeks and 2 days poko may time po sobrang likot ni bby ko pano po bilangin ang pagsipa ni baby at ano po ang normal kick counts ng baby sa tummy? Manas din poko hanggang ngayon sana po mapili nyo po ang tanong ko salamat po :)

Hello po ask ko Lang po Kung may effect po ba Yung ininom Kong gamot ndi ko PA kc Alam na buntis 2 weeks running to 3 weeks... Po nainuman ko po NG gamot Ska ko lng NLMAN na buntis n ako nung ndi ako nadatnan at nag p. T po ako... 2 months na po ngaun

5y ago

Ganyan dn po ako dko dn po alam na buntis na ako inom ako ng inom ng mefenamic acid para po sa skt ng ngipin

Good day po, 31 weeks na po si baby sa tammy ko, sa subrang likot niya po ay d kona po mabilang ang galaw sa dami.pero my times po na ang kicks ni baby ay nasa right side ng tagiliran ko po, normal lang po ba yun or hindi?

hi po good evening.. ask ko lng po kung pwede pdin po ba ako ma normal delivery, if ung blood pressure ko is 130/80? pano po ba mapababa ang bp? ayaw ko po sana kc ma CS kc malaking halaga po ang mailalabas na pera eh, salamat po ng marami

what the best time na magbilang ng kicks ni baby yun ba movement nya sa tummy ay consider din na kicks at may isa pa po ako tanong ilan weeks sa third trimester ang best time para magpa ultrasound ulit 31weeks preggy po ako at 40yrs old

Hi normal lang po b na d malikot c baby sa tyan ko 35 weeks preggy po ako nga un?sabi sa pina check upan ko clinic baka tulog lang daw sya lagi..sabi naman sa ultrasound ko ok naman sya pati heartbeat nya ok naman daw po. Thank u po

Gudeve! Ask ko lng po normal lng po ba na minsan masikip puson q parang nkasisik ung baby q kambal po kse bale 3 and half months na po ang tyan q, tsaka hal9s di aq mkatulog ng maayos kya lage po msakit ulo q slamat po sa pagsagot

26 weeks preggy palaging sumasakit ang tiyan ko at naninigas. Minsan hirap ako matunawan. Bukod dun ngayon sobrang sakit ng tagiliran ko na parang sinusuntok na halos Hindi nako makagalaw. Doc ano po ibig sabihin pa ganito.